Advertisers
KAHAPON, masinsinang tinalakay ang karahasan sa halalan sa katangi-tanging media forum ng Kapihan sa QC. Pinalad ang mga dumadalong mamamahayag na makadaupang palad sina Prof. Danilo Arao, lead convenor ng Kontra Daya, isang civil society organization na tumatalakay sa isyu ng pandaraya sa halalan, at Victor Silverio, kandidato para kinatawan ng ikatlong distrito ng Bulacan. Mas maganda sana kung may kinatawan ang PNP upang ipaliwanag ang isyu mula sa pananaw ng pulisya, ngunit walang nakarating na kinatawan ang PNP.
Ani Arao, may naitalang 733 insidente ng karahasan ngayong taon at marami ang “redtagging,” o bintang na konektado sa kilusang Komunista ang ilang kandidato. May sampung insidente ng marahas na patayan kaugnay sa darating na halalan at ikinababahala ito ang mga alagad ng batas. Iniugnay ni Arao ang mga insidente ng karahasan sa pangingibabaw ng mga malalaking pamilya, o dinastiya pulitikal, sa halalan.
Bukod sa poder, may salapi ang mga malalaking pamilya upang armasan ang sarili at ituloy ang pangingibabaw sa pulitika sa bansa. May mga dinastiya pulitikal na nagtayo ng sariling private army upang takutin, saktan, at patayin ang kanilang kalaban sa pulitika. Pinanatili nila ang kultura ng pagiging palaasa ng mga mamamayan sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit dala nila ang kultura ng pagsuway sa batas. Maraming dalang sakit panlipunan ang pangingibabaw ng mga malalaking pamilya sa bansa.
Samantala, kinondena ni Silverio ang pag-ambush sa tatlong kasapi ng kanyang campaign team sa Barangay Capihan sa San Rafael, Bulacan. Patay sa ambush noong Marso ang kanyang IT consultant na si Bryan Villaflor, kasamang nangangampanya, at drayber nang paulanan ng bala ang campaign team sa kanilang sasakyan. Namatay ang tatlo at may ilang nadamay sa patayan.
Tinawag ni Silverio ang insidente bilang isng direktang atake hindi lang sa kanyang team kundi sa demokratikong proseso ng bansa. “I condemn in the strongest terms this cowardly and senseless violence. These were young, dedicated professionals who believed in a vision for a better Bulacan. Their deaths must not go unanswered,” aniya.
Hiningi ni Silvero sa awtoridad ang maagap na pagkilos upang dalhin sa katarungan ang mga salarin at garantiyahan ang kaligtasan ng mga political volunteer na kalahok sa proseso ng demokrasya. “The rule of law must prevail. We cannot allow fear and violence to define our elections,” aniya.
Kasalukuyang sinisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP si Cholo Violago, alkalde ng San Rafael at kalaban ni Silverio sa pagiging kinatawan ng Bulacan sa mga aktibidad na may kaugnayan sa criminal. Pinaghihinalaan si Violago sa ilang ilegal na aktibidad ng mga kumpanyang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ayon sa hepe ng CIDG na si Maj. Gen. Nicolas Torre, sinusuri nila pagbibigay umano ni Violago ng proteksyon sa paggawa at kalakalan ng ilang brand ng pekeng sigarilyo sa mga bodega at pagawaan sa siyudad ng Valenzuela at ilang bayan sa Bulacan. Sabit umano ang grupo ni Violago sa online sabong, o e-sabong.
Bagaman iniiwasan niya ang pagbibintang sa mga kalaban sa pulitika, ipinaliwanag ni Silverio ang pangangailangan na papanagutin ang mga salarin na nasa likod ng ga karahasan sa halalan. Hindi dapat gamitin ang poder bilang kalasag upang iwasan ang pananagutan sa karahasan, aniya. “The people deserve to know the truth. Leaders should be models of integrity, not suspects in criminal investigations,” aniya.
Binigyang diin ni Silverio na hindi nababatay sa mana-mana ang kanyang kandidatura sa Bulacan kundi sa kommitment upang magbigay ng natatanging liderato sa distrito. “I’m not running to inherit a position, I’m running to earn the people’s trust through honest work, grassroots development, and transparent governance,” aniya. Siya ang anak ni Kin. Lorna Silvero na matatapos sa unyo ang ikaanim na termino.
Kasama sa mga prayoridad ang infrastructure upgrades sa mga liblib na barangay, papaunlad sa access to education at healthcare, pagbibigay ng trabaho sa mga kabataan, at ang pagbuo ng mekanismo kontra korapsyon. “Bulacan deserves better. We will not be intimidated. We will press forward with courage, with vision, and with integrity,” Silverio emphasized.
Samantala, binanggit ni Arao ang pagpasa ng isang batas kontra political dynasty bilang isa sa mga solusyon sa pangingibabaw ng mga malalaking pamilya sa pulitika ng bansa. Inihahanda rin ng Kontra Daya ang ilang hakbang upang pigilin ang pandaraya sa pulitika sa bansa. Binanggit niya ang pagkakasangkot ng ilang malalaking pamilya sa karahasan upang manatili sa poder.