Advertisers
Nabahala ang mga netizen sa post ng gurong si Cheska Reyes nang makatanggap ng sexual remarks mula sa estudyante niyang Grade 7.
Sa Facebook post nitong April 11, nagbahagi si Teacher Cheska ng open letter para sa kapwa niya guro.
Sinabi ni Teacher Cheska na ang pinakamahirap na reyalidad na hinarap daw niya ang sexual harassment.
Ibinahagi rin niya ang notebook ng kanyang estudyante kung saan inaya siya nitong makipagtalik at iba pang malalaswang pahayag.
“Ito ay isang bagay na walang naghahanda sa iyo kapag pumasok ka sa isang silid-aralan na umaasang magbigay ng inspirasyon at pagtuturo. Walang pagsasanay o seminar ang maaaring makapagpapahina sa dagok ng karanasang iyon. Ang sumunod ay isang serye ng mahihirap na pag-uusap, panloob na pakikibaka, at pagsisikap na patuloy na magpakita sa aking mga mag-aaral bawat araw habang nagdadala ng hindi nakikitang bigat,” aniya.
Dagdag pa ng guro, “I also found myself in the guidance office far more often than I anticipated—not for personal reflection or mentorship meetings, but because of students involved in physical fights. Ang paghihiwalay ng mga alitan at pagharap sa mga resulta, emosyonal man o procedural, ay naging isang hindi inaasahang bahagi ng aking job description.”
Sa kabila nito, patuloy na raw siyang nagtuturo at humaharap sa klase dahil naniniwala siya sa kapangyarihan ng edukasyon na makapagpabago ng buhay.
“Patuloy akong nagtuturo, nakangiti hangga’t kaya ko, sinusuri ang mga estudyante kahit na napagod ako, at pinaalalahanan ang sarili ko kung bakit pinili ko ang landas na ito. Hindi dahil madali ito, ngunit dahil naniniwala ako sa kapangyarihan ng edukasyon na baguhin ang mga buhay — kahit na ang sistema mismo ay parang sira.”
Isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 18K reactions at 6.3K shares ang naging post niya.