Advertisers
KLINARO ng Commission on Elections (Comelec) na hindi ito makikialam sa content o nilalaman ng campaign poster ng isang kandidato.
Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang paglilinaw kasunod ng isang viral post sa social media kung saan ginamit ng isang tumatakbong senador ang logo ng kanyang dating paaralan o unibersidad sa campaign poster na umani ng batikos online.
Alinsunod sa freedom of expression, sinabi ni Garcia na may limitasyon ang pakikialam ng COMELEC sa nilalaman ng campaign poster.
Sinabi ni Garcia, ang eskuwelahan ang dapat magsampa ng reklamo kung sa tingin nila ay hindi angkop ang paggamit ng kanilang logo sa campaign poster.
Gayunman kung ang campaign poster ay naglalaman ng hate speech, diskriminasyon, o pekeng impormasyon, maaaring atasan ng komisyon ang kandidato na alisin o i-take down ang naturang campaign poster.