Advertisers

Advertisers

Bulkang Kanlaon patuloy sa pagbuga ng abo

0 3

Advertisers

SINABI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na patuloy sa pag-aalboroto ang bulkang Kanlaon matapos ang pagbuga ng abo nitong Lunes.

Nabatid sa Phivolcs nagsimula ang pagbuga ng abo ng bulkang Kanlaon dakong 11:52 ng umaga.

Ayon pa sa Phivolcs na bukod sa pagbuga ng abo ng bulkan nagbuga rin ng malalaking usok ang bulkan nakasing taas ng 800 metro mula sa bunganga ng bulkan.



Nabatid pa sa ulat na ang ibinugang abo ng bulkan ay inanod sa kanluran-hilagang kanluran ng bulkan.

Kaugnay nito pinaalalahanan ng Phivolcs na dapat asahan ng mga residente ng La Carlota City, Bago City at iba pang kalapit na bayan ang pagbuga ng ashfall.

Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy na nakataas ang alert level 3 ang paligid ng bulkang kanlaon dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkan Kanlaon. (Boy Celario)