Advertisers

Advertisers

52% ng pamilyang Pinoy mahirap — SWS

0 4

Advertisers

TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na ikinukunsidera ang kanilang sarili na mahirap ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa Self-Rated Poverty survey ng SWS na isinagawa noong Marso, nasa 52% o mahigit labing apat na milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap.

Mas mataas ito kumpara sa 51% noong Pebrero, at 50% noong Enero.



Samantala, 12% naman ang nagsabing pasok sila sa borderline, habang 36% naman ng respondents ang nagsabing hindi sila mahirap.

Isinagawa ang naturang survey sa 1,800 rehistradong botante sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interviews.