Advertisers
MULING pinagtibay ng Malakanyang nitong Lunes ang pangako ng administrasyong Marcos sa pagpapabuti ng accessibility at affordability ng pagkain, dahil tinatanggap nito ang pinakabagong pagpapalawak ng Kadiwa ng Pangulo Program, na maaaring umabot sa 1,500 na tindahan sa buong bansa pagsapit ng 2028.
Sa isang Palace press briefing, binigyang-diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang kahalagahan ng kamakailang kasunduan sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost), na magpapalaki sa presensya ng mga tindahan ng Kadiwa sa buong bansa.
Sa ilalim ng kasunduan, titiyakin ng DA ang pagkakaroon ng ligtas at dekalidad na mga produktong pang-agrikultura habang ang PHLPost ay magbibigay ng mga operational space at pasilidad sa mga post office branch nito sa buong bansa.
“Ibig sabihin, mula sa anim na post office na dati nang nag-host ng Kadiwa pop-up stores, palalawakin na ito sa 67 post office sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao,” ayon kay Castro.
Aniya na ang partnership ay nagdudulot ng mga benepisyo hindi lamang sa mga mamimili kundi maging sa mga manggagawa ng PHLPost at mga lokal na komunidad.
Maglalaan ang Philippine Postal Corp. (PHLPost) ng espasyo sa lahat ng post offices sa bansa upang magsilbing Kadiwa store.
Ito ang napagkasunduan ng Department of Agriculture (DA) at PHLPost, ayon sa Malacañang, bilang bahagi ng pagpapalawak ng Kadiwa ng Pangulo Program.
Nakasaad sa kasunduan na titiyakin ng kagawaran na may mabibili ang publiko na mga murang produktong pang-agrikultura sa post offices. (Vanz Fernandez)