Advertisers

Advertisers

‘WALA SILANG KAWALA’

0 27

Advertisers

KASAGSAGAN ng tag-init, pakiwari hindi humuhupa ang temperatura sa Senado matapos ang tinagurian kong “bull session” sa Senado na pinamumunuan ng kapatid (at DDS) na si Imee Marcos, na itatago ko na lamang sa alyas na Manang Babs. Bakit ko tinawag na bull session ang nangyari? Sa Merriam-Webster sa Ingles, a bull session ay informal o magdamagang huntahan, na kadalasan nilalahukan ng mga kalalakihan.

Hindi pormal, at masasabing mas bastos na kahulugan sa Ingles ay “ridiculous o ” kabulaanan, tulad ng may ikinuwento ka matapos ang tugon ay “kabulaanan!” Sige po mga giliw na tagabasa, manatili muna tayo sa pananagalog. Heto ang nasaksihan ko sa pagdinig na pinunuhan ni Manang Babs. Nakinig lang ako.

Ngunit nang “cited in contempt” ang isang “resource person” – Ambassador Markus Lacanilao, nag-flashback ang imahe ng isang musmos na Archimedes Trajano na walang awa na ipinadukot at ipinapatay dahil nangahas na nagtanong. Ani Chiz: hindi papayagan na ang tanggapan ng Pangulo ng Senado ay gagamitin para sa pansariling kapakanan, lalo na sa mga naghahangad na maluklok sa parating na midterm elections.



“Ang Senado ay institusyon ng katwiran at wastong pamamahala na kailanman ay hindi maaaring gamitin sa propaganda at pansariling kapakanan,” aniya. Sapantaha ko’y tama si Chiz sa sinabi. Lalo na nang sabihan niya na uudyukan niya si Manang Babs na maghunos-dili at huwag gamitin ang Senado bilang entablado, para sa pansariling planong pamulitika.

Isasalamin ko na lang ang sinabi ni Chiz na ANG TAUMBAYAN AT ATING BANSA ANG MAY KAPAKINABANGAN DITO. Sa sinabi ng pangulo ng Senado, bagaman hitik ito sa retorika at”evasive tactics”ng isang bihasa sa “art of political evasive tactics,” sa isang kisapmata, nagisnan ko ang isang batang Trajano na humagikgik sa tawa.

Hindi ako bilib sa inyo Chiz Escudero, ngunit sa sinabi mo, pantay ang kilay mo sa pananaw na pumapantay sa opinyon ng isang maliit na peryodista. Sa salitang Kastila “puede pasar.”

***

NAKAKABAHALA ang tumataas ang insidente ng pagdukot at pagtubos sa mga tao kapalit ng salapi. Itong mga KFRG o kidnap-for-ransom groups ay biglang nagsulputan parang kabute. Ang pagdakip at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at tsuper niyang si Armanie Pabillo.



Nakikita ko na umiigting ang galaw ng mga masasamang loob, lalo na mga elementong balak gamitin ang salaping kinamkam nila sa darating na halalan. Ayokong unahan ang galaw ng mga kinauukulan, at sang-ayon ako sa prinsipyong “lean is mean” para masukol ang naturang element na nasa likod ng mga KFRG. Kaya hayaan natin magtrabaho ang kinauukulan.

***

INUULIT ko lang ang nakita ko sa social media at kinopya. Daghang salamat po sa unang nagsulat nito: Sa ginanap na online press conference ng Camara de Representante noong Abril 4, binuweltahan ni House Committee on Overseas Workers Affairs chair at Tingog Party List Rep. Jude Acidre ang sinabi ni Bato dela Rosa na “cover up” lamang ang in-invoke na executive privilege ng Cabinet members na hindi dumalo sa ginanap na Senate hearing tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, iginalang umano ng Kamara ang senador at hindi siya pinilit na dumalo sa pagdinig ng House Quad Committee tungkol sa kanyang papel bilang chief ng Philippine National Police (PNP) noong panahon ng madugong “war on drugs” ng administrasyong Duterte.

Idinagdag pa ni Acidre na karapatan ng executive officials ang mag-invoke ng executive privilege. “Nais po nating ipaalala sa kanya na ‘yan po ay pribilehiyo ng ehekutibo. Nasa Constitution po ‘yun, nasa ating jurisprudence po ng Supreme Court… kumbaga panuntunan ang paggalang sa executive privilege,” saad niya.

Halatang obvious na ang mga kasapakat na gumagalamay sa serial killer na dating pangulo ay ginagalaw ang langit at lupa. Heto lang po. Walang bahid ng pagiisip o katalinuhan ang pinaggagawa nila. Sa maikli Bunga ito ng kawalang katalinuhan. Sa maikli? Galaw ng mga bobo. Uulitin ko: Wala akong kahabag-habag sa kanila. Sapantaha ko? WALA SILANG KAWALA.

***

mackoyv@gmail.com