Advertisers
ISANG tunay na statesman ang dapat na senador ng sambayanan.
Iyan ang katangiang angkin ng eksperto at subok nang mambabatas na si Senator Francis ‘Tol’ Tolentino- isang taal na abogado na swak ang trabaho bilang legislator at taga-balangkas ng batas.
Ang naging alkalde ng Tagaytay City at President’s man bago naging Majority Floor Leader Senator ng 19th Congress na si Sen.’Tol Tolentino ay walang dudang mare-reelect para sa 20th Congress ayon na rin sa tunaý na pulso ng mamamayang Pilipino.
” Hindi naman po biro-biro ang pag-gawa ng batas.Dapat may alam din.Kailangan ay marunong din hùmabi nito at nakakaalam.
Kaya sa Senado , kailangan natin ng abogado dahil ang trabaho ng senador ay gumawa ng batas”, wika ni Senator TOL.
Si Tolentino ay maihahambing sa isang mahusay na player na kahit saan koponan mapabilang ay tiyak na magde-deliver upang ipanalo ang team at ang wagi ay ang taumbayan.
Si re-electionist Sen.Francis ‘Tol’ Tolentino ay numero 61 sa balota na bibilugan ng botanteng Pilipino sa Mayo 2025.
Siya ay kapatid ng isa pang tanyag na lingkod – bayan na si Cong. Abraham ‘ Bambol Tolentino – pangulo ng Philippine Olympic Committee(POC)
***
SM PICKLEBALL POWER TOUR NI FIL- AM LAUREN MERCADO DINAGSA SA MOA
PATULOY ang pagsikat ng larong pickleball sa bansa at dumaramì pa ang nagkakahilig na kabataan na subukan ang larangan.
Inihandog ng SM PICKLEBALL ACTIVE HUB ang pickleball clinic para sa beginners, exhibition games ng mga eksperto na sa laro kabilang na ang sumisikat na ring pickleball player na Filipina American Lauren Mercado kasabay na rin ng meet ang greet ng mga lahat nang pickleball enthusiasts sa Music Hall ng SM Mall of Asia kahapon.
Ang mabulas na 16-anyos na manlalarong mestisang si Lauren Mercado na nakabase sa Los Angeles, California, USA ay kasalukuyang nasa bansa para s kanyang SM Pickleball Power Tour na nagsimula sa Mall of Asia kasunòd ang mga piling SM branches partikular sa Maynila at karatig.
” I enjoyed exchanging paddlewielding game with potential young players here.It’s not just play for fun, they’re competitive”, wika ni Lauren na aktibo sa paglalaro ng pickleball sa L.A. at premyado nang manlalaro lalo ngayong gumagaganap na siyang ambassadress ng larong pickleball. ” Thanks SM for the opportunity.”
Wish din ni Mercado na katawanin ang bansa sa mga hinaharap na international competitions.