Advertisers

Advertisers

Shabu lab nalansag sa Las Piñas: 5 timbog

0 20

Advertisers

Naaresto ang limang katao kabilang ang dalawang Chinese, isang Taiwanese at dalawang Filipino elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang salakayin ang isang shabu laboratory sa Las Piñas City, Biyernes ng hapon.



Sa report, isa sa mga Chinese national ang chemist, isa kabilang sa drug personalities habang facilitator ng laboratory ang Taiwanese.

Nasa kustodiya ng PDEA ang mga suspek habang sumasailalim sa imbestigasyon.

Ayon kay Dir Lawin Gabales, spokesperson ng PDEA, 5:00 ng hapon nang salakayin ng mga elemento ng PDEA Intelligence Service ang isang bahay na no 16 Pilar St., BF Resort Village, Talon Dos Las Pinas City.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Korte laban sa mga naninirahan sa nasabing bahay.

Nasamsan ng mga operatiba ang iba’t-ibang mga laboratory equipment at chemical substance na sangkap sa paggawa ng shabu. Maaring magagawa ng 50 hanggang 100 kilograms ng shabu ang isang drum ng mga chemical sa sandaling maproseso ito.

Dinala ang mga nasamsam na mga cheimical sa PDEA laboratory service upang isailalilim sa chemical analysis.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 8 ng Republic Act no 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Mark Obleada)