Advertisers
Bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ay kauumpisa lang ng kampanya para sa national at local election.
Esaktong isang buwan o 29-araw na lang ay magsisiguran na sa election precinct ang milyon-milyong botante upang ihayag ang kanilang karapatan at kinabukasan sa balota pero nawa’y hindi nila ibenta ang kanilang boto.
Sa madaling pagtakbo ng panahon at papalapit na ang E-Day, Mayo 12, , maraming ng kandidato ang nangangamba kaya, panay ang kanilang pangangampanya. Sige…sipagin niyo pa….magbubunga iyan ng maganda.
Heto, dahil sa kasigapan, tiyaga, pasensya at higit sa lahat ang kanyang tract records, patuloy na lumolobo ang naniniwala at nagtitiwala kay dating DILG Sec. Benhur Abalos Jr.
Akalain niyo, solidong nakuha ng dating kalihim na tumatakbong Senador ang suporta ng mga local chief executives sa buong Central Luzon na may higit sa 7.7 milyong rehistradong botante at nananatiling mahalagang balwarte para sa sinumang nagnanais ng pambansang posisyon.
Kamakailan sa isang pagtitipon ng mga pinuno mula sa Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales, sabay-sabay nilang ipinahayag ang kanilang suporta para sa kandidatura ni Abalos. Kabilang sa mga tuminding para kay Abalos ay sina Zambales Governor Hermogenes Ebdane; Aurora Governor Reynante Tolentino; Tarlac Governor Susan Yap; Bulacan Congressman Boy Cruz.
Kinatawan naman ni Vice Governor Emmanuel Umali si Governor Oyie Umali ng Nueva Ecija, at ibinahagi ang koneksyon ni Abalos sa kanilang lalawigan. “Asahan nyo po Senator, alam po namin ang lalawigan ng Nueva Ecija ay inyong probinsiya din po dahil po sa inyong manugang dun sa bayan ng Aliaga.”
Nagpaabot din ng suporta ang mga lokal na opisyal ng Bataan at Pampanga—mula gobernador hanggang mga alkalde. Muling iginiit ni Abalos ang kanyang mga isinusulong na panukala para sa kapakanan hindi lamang ng Gitnang Luzon kundi ng buong bansa. Kabilang dito ang pagtanggal ng VAT sa kuryente at buwis sa langis para sa power generation, pagpapalawak ng programa para sa mga magsasaka at kanilang pamilya, at pagbibigay ng gratuity pay at insentibo para sa mga job order at contract of service workers sa gobyerno.
Samanatala, lalong pinatibay ni Abalos ang kanyang kampanya sa grassroots sa Pangasinan matapos makamit ang buong suporta mula kay Congressman Arthur Celeste ng Unang Distrito, kasama ang ilang alkalde at lokal na lider, sa kanyang pagbisita sa lalawigan.
Ang Pangasinan, isa sa pinakamalalaking lalawigan sa bansa na may mahigit 2 milyong rehistradong botante, ay matagal nang itinuturing na mahalagang balwarte sa tuwing halalan. Ang suporta ng mga lokal na opisyal dito ay malaking tulong sa pagpapatatag ng kampanya ni Abalos habang papalapit ang kritikal na yugto ng kampanya.
Buong pahayag na ipinaabot ni Congressman Celeste ang kanyang pagsuporta kay Abalos, binigyang-diin ang napatunayan na nitong track record at matibay na ugnayan sa lalawigan ng Pangasinan.
“Noong nanalo po akong Congressman siya po ang Secretary ng DILG. Ang bago nating fire truck sa siyudad ng Alaminos hiningi ko po yan kay Sec Benhur Abalos. Kaya nga po, hindi pa siya Senador, meron na tayong proyekto o tulong na nanggaling sa kanya,” ibinahagi ni Celeste.
Binigyang-diin din niya ang kahanga-hangang kwalipikasyon ni Abalos: “Kung titignan po natin ang karanasan, kung titignan po natin ang kanyang kwalipikasyon, hindi tayo magkakamali sa pagpili ng magiging senador na si Apo Senador Abalos.”
Hindi lamang ang Central Luzon at Pangasinan ang nagpahayag na ng buong suporta at pagtitiwala kay Abalos kung hindi marami na at kung saan ay patuloy itong lumolobo.