Advertisers
Ito ang nakakapanindig balahibo alam nyo po ba mga Ka Usapang HAUZ ilang araw lang ang pagitan, dalawang mabibigat na krimen ang yumanig sa lungsod ng Las Piñas Susmaryosep!
Unahin muna natin ang Shabu Lab na nahuli sa loob ng Village, Opo, hindi ‘to teleserye. Totoong may mga banyaga at Pinoy na nahuling gumagawa ng iligal na droga at paano yan nakalusot at hindi man lang natunugan ng mga opisyales ng LGU buti na lang andyan ang otoridad!
Diba may intel funds ang LGU? Dahil, ilang araw lang ang lumipas, dalawang Grade 8 students ang nasaksak at napatay ng sarili nilang kamag-aral, eh ang sabi sabi ay lango sa ipinagbabawal na droga, Ang tanong tumutulong ba ang monitoring team ng Las Pinas sa mga kapulisan?
Sabi ng mga residente, parang wala raw nararamdaman mula sa city hall, Tahimik si Mayor Mel Aguilar sa kabila ng kabi-kabilang krimen, Ang masaklap pa mga Ka Usapang HAUZ, inuulan siya ng puna dahil sa mga umano’y mga POGO na hayagang nag-operate sa lungsod hanggang ito ay ma-RAID, baka naman Marites lang?
Eh sabi nga ng mga mamamayan kung totoo ngang may “P” sa Las Piñas—’P’ for POGO, P for problema, at P for ‘palpak’ na pamamahala? di po ako nagsabi nyan ha!
Eto pa mga Ka Usapang HAUZ Kung may report card ang mga mayor, Sure Fail si MAYOR MEL! Bagsak sa peace and order, bagsak sa visibility, bagsak sa malasakit, sabi po yan ng mga mamamayan ng Las Pinas, tutuo po ba?
May nagsasabi na hindi sila namumulitika, pero ang Siyudad ay hindi laruan at ang Las Piñas ngayon ay kilala na hindi sa pagiging green city, kundi sa pagkakaroon ng droga, patayan sa eskuwela, at kung anu-anong iskandalo? Pwede pong sumagot.
Wake up call ito mga Ka Usapang HAUZ dyan sa Las Pinas, Hindi pwedeng puro pa-picture. Hindi pwedeng puro press release, ito ang sabi ng mamamayan kailangan ng Siyudad ang isang lider na kumikilos hindi yung Lider na pahinga.
Sa darating na eleksyon, Piliin ang Gising, hindi Antok buhay ng anak mo, kapatid mo, at komunidad mo ang nakataya.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036