Advertisers
Aabot sa P12.720 million halaga ng fully-grown marijuana plants ang binunot at sinunog sa Kalinga Province at Benguet.
Unang nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang taniman ng marijuana sa barangay Bubut Proper, Tinglayan, Kalinga.
Mahigit 50,400 piraso ng puno ang binunot ng mga awtoridad sa 4,200 square meter na plantasyon.
Sa isinagawang operasyon, walang cultivators ang nadatnan at naaresto.
Sa 2,100 square meters na bulubunduking lugar naman sa Sitio Sayangan, barangay Kayapa, Bakun, Benguet natuklasan ang isa pang plantasyon ng marijuana.
Ayon kay PDEA RO I Regional Director Joel Plaza, 13,200 piraso ng fully-grown marijuana plants ang sinira at sinunog sa lugar.