Advertisers
Ni Archie Liao
MULI na namang magpapakitang-gilas ang Broadway diva na si Lea Salonga sa kanyang pinakabagong proyekto.
Nakatakda kasi siyang lumabas sa isang special guest villain role sa season 4 ng Fox series na “The Cleaning Lady.”
Ayon kay Lea, isang malaking hamon daw sa kanya ang gumanap na kontrabida.
“I tend to be associated with women that have a heart of gold or women who are heroic or women who are much softer and without any sort of cruel intentions. To play somebody that is not likable is a lot of fun,” ayon sa panayam sa kanya ng isang American news website.
Bagama’t hindi raw siya pamilyar sa kuwento ng nasabing serye, nagsaliksik daw agad siya bilang paghahanda sa kanyang papel.
Nadagdagan din daw ang kanyang interest dahil binubuo ang cast ng Southeast Asian actors.
Sobra rin daw siyang na-excite sa kanyang role.
“There are underworld elements, there are undocumented people, and there are all these stories that are so human and communities that are vulnerable,” aniya. “It means the world that there is a universe in which these kinds of stories are able to attract interest and wide viewership, ” dugtong niya.
Naniniwala rin siya na ang kanyang pagganap sa nabanggit na role ay magiging pagkakataon para ikampeon ang kuwento ng mga Pilipino sa ibang panig ng mundo.
“It’s incredibly empowering to be a part of something like this,” sey niya.
Isa pa raw sa ikinagalak niya sa series ay hindi lang daw ito tungkol sa mga karanasan ng Southeast Asian people kundi sa papel ng Southeast Asian women.
“Now for me to come in as a woman from Southeast Asia, as a woman from the Philippines, and kind of getting into this mix, it’s just one episode, but it’s like it’s nice to be able to center women’s stories and the stories of women of color. And it’s incredibly empowering to be a part of something like this, ”pagtatapos niya.
Ang “The Cleaning Lady” ay isang American crime drama series na base sa 2017 Argentine television series na “La Chica que limpia.” Pinagbibidahan ito ng French actress na si Élodie Yung bilang Thony De La Rosa, na gumaganap bilang Cambodian-Filipino surgeon sa Manila na naging undocumented immigrant nang nagtrabaho sa Las Vegas . Nagtrabaho siya bilang “cleaner” ng mob para mapagamot niya ang kanyang anak.
Ang iba pang Filipino actors na lumabas sa “The Cleaning Lady” ay sina Martha Millan, JB Tadena, Ruby Ibarra at Princess Punzalan.
***
MTRCB binigyan ng angkop na klasipikasyon ang siyam na pelikula, isang linggo bago ang Semana Santa
SWAK para sa pamilyang Pilipino ngayong semana santa ang “The Chosen: Last Supper” na rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ito ay kwento ng buhay at pakikisalamuha ni Kristo Hesus mula sa mga tala at kanyang mga disipulo.
Sa ilalim ng PG, kailangang kasama ang magulang ng mga batang edad 12 at pababa.
Rated PG din ang mga sumusunod:
– Ang American action-thriller na “The Amateur,” tungkol sa isang CIA cryptographer na naghahanap sa mga taong pumatay sa kanyang asawa;
– Ang American drama na “Rule Breakers,” tungkol sa isang babaeng naglakas-loob na magturo sa isang bansang ipinagbabawal ang pag-aaral ng mga kababaihan; at,
-“Bloat,” isang co-production ng Russia, France at Japan.
“Ang mga pelikulang ito ay mas maiintindihan at mae-enjoy ng mga batang manonood kung sila ay sasamahan at gagabayan ng kanilang mga magulang,” sabi ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio.
Para naman sa mga naghahanap ng aksyon, bagay ang Filipino romantic-comedy na “Un-Ex You,” na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles, na rated R-13 dahil sa lenggwahe na di bagay sa mga edad 13 at pababa.
R-13 din ang “Drop” at “The Red Envelope” mula sa Thailand.
R-16 (edad 16 pataas) ang “A Working Man” at “The Demon Disorder.”
Paalala ng Board sa mga magulang na gamitin ang MTRCB ratings bilang gabay sa pagpili ng panonoorin kapag kasama ang mga batang manonood.