Advertisers
DUMAGSA ang Libo-Libong mga Mindoreno sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan partylist nang baybayin nito ang bayan ng Gloria, Victoria, Naujan, Calapan.
Lulan sa nauunang convoy sina sina Senator Grace Poe,1st nominee Bian Poe Llamanzares 2nd Nominee Mark Lester Patron, 3rd Nominee Hiyas Dolor at Governor Bonz Dolor nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist.
Nagtapos ang convoy sa RGC Complex Calapan City Oriental Mindoro, Doon Isinagawa ang grand rally at nagtalumpati ang mga kandidato
Tinatayang nasa 15-libong katao ang dumalo at nakisaya sa kampanyang pulitikal at konsiyerto. Bilang Suporta dumating si Senator Grace Poe at nakilahok sa pagdaraos ng grand rally sa naturang Lugar
Pinasalamatan ni Brian Poe, unang nominado ng partylist ang mga Mindoreno na mainit na pagsalubong at suporta. Binigyang pugay pa niya ang ipinadamang pagpapahalaga ng mga residente ng bawat komunidad na dinaanan ng kanilang motorcade. (CESAR MORALES)