Advertisers

Advertisers

Drug den sinalakay sa Zambales: 5 timbog

0 23

Advertisers

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Zambales at Naval Intelligence Security Group-Northern Luzon (AFP) via buy bust operation ang limang katao, sa isang drug den sa Brgy, Calapacuan sa bayan ng Subic Zambales.

Sa report na tinanggap no PRO3 Director BGen Jean S. Fajardo kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Drey 34, alyas Ar-Ar 43,alyas Ney 35, alyas Tonio 25 at alyas Kel 29 anyos kapwa residente sa nabangit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon 3:34 ng madaling araw ng masukol ang mga suspek sa nabangit na drug den.



Nakumpiska mula sa drug den ang 6 na plastic sachets na naglalaman ng 10 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P68,000.00, assorted drug paraphernalias at buy-bust money.

Samantala, kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang kakaharapin ng mga suspek.(Thony D. Arcenal)