Dahil sa kanyang papel sa pandemya, pagdoble ng allowances: Mayor Honey inendorso ng Senior Citizens Party-List
Advertisers
DAHIL sa kanyang naging papel sa pandemya bilang pinuno ng health cluster, ang probisyon ng libreng healthcare, buwanang financial assistance, trabaho at friendly facilities para sa kapakinabangan ng lahat ng senior citizens, ay inendorso si Manila Mayor Honey Lacuna ng Senior Citizens Party-list, at sinabi nito na si Lacuna ang uri ng alkalde “that Manila deserves now and in the coming years.”
SI Lacuna, na isa na ring senior sa May 6, ay pinasalamatan si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa endorsement, at tinitiyak ng alkalde na ang kanyang administrasyon ay itutuloy ang umiiral na benepisyo ng mga nakatatanda at pagagandahin pa lalo ang mga ito sa mga susunod na taon.
Sinabi ng lady mayor na siya ay humbled ng nasabing endorsement, na para sa kanya ay isang pagkilala ng pagiging epektibo ng mga programang inilatag ng kanyang administrasyon para sa mga senior citizens.
Sa kanyang pag-endorso kay Lacuna, sinabi ni Rep. Ordanes na ang mga ginagawa ng alkalde lalo na sa mga senior citizens, “are an example for all mayors to emulate.”
Binanggit din ng Congressman si Lacuna dahil sa pagkakaroon nito ng “a sterling track record of championing elderly rights and welfare.”
“Sa mga kapwa ko senior citizen na botante ng Lungsod ng Maynila, iboto po ninyo at ikampanya pa, ang kandidato pagka-Mayor na may nagawa na at TAPAT at TOTOONG may malasakit para sa kapakanan ng mga senior citizens – si Doktora Honey Lacuna!” opisyal na pahayag ni Ordanes.
“Sa balota po, number 5 si Mayor Lacuna at number 89 naman ang Senior Citizens Party-list,” pagpapaalala ni Ordanes sa mga Manileño voters, dahil na rin sa magiging isang ganap na senior na ang lady mayor pagdating ng May 6.
“Mayor Honey Lacuna is the best, most consistent and most effective among those vying for the Manila chief executive post. She is the only city mayor in the country I am aware of who matched the P1,000 monthly stipend for senior citizens from the DSWD,” saad pa ni Ordanes.
Ayon pa kay Ordanes, dahil kay Lacuna kaya naman tatanggap ngayong ang mga seniors ng Maynila ng stipend at city allowance na may kabuuang halaga na P24,000 mula sa pamahalaang lungsod at ang iba naman ay P12,000 mula naman sa DSWD.
“None of the other candidates can boast of this accomplishment,” giit ni Ordanes kasabay ng pagbanggit nito kung paano gumagawa at nakakagawa ng trabaho si Lacuna para sa mga seniors, retirees at persons with disability (PWDs) at kung paano ang pagkakaroon ng senior citizen dependents sa isang household ay isang factor sa pagpili ng homeowner-beneficiaries para sa rent-to-own condominium units sa lungsod.
Nabatid pa kay Ordanes, na si Lacuna sa kanyang kapasidad bilang doktor ay nakakaintindi ng mga pangangailangan ng seniors at pamilya, at ginawang modernisado rin local public health system ng lungsod “in ways no other mayor before her has achieved.”
“It was, in fact, Mayor Lacuna who saved Manila from the COVID pandemic because she was the one who actually did the hard work to make the capital city’s health care system work well. I credit her because she deserves the credit,” pagbibigay diin pa ni Ordanes.
Noong pandemic, si Lacuna ang in charge sa operation ng anim na district hospitals sa Maynila, 44 health centers at maging ng COVID hospital. Pinangunahan din ni Lacuna ang pagbabakuna kung saan nagpupunta siya sa mga tahanan ng senior citizens ar bedridden para turukan ang mga ito ng bakuna kontra COVID.
“Ang pagtanggap ng endorso mula sa Senior Citizen Partylist ay hindi lamang karangalan, kundi isang paalala sa akin na dapat ay ipagpatuloy ko ang tunay at tapat na serbisyo sa ating mga lolo at lola,” pahayag ni Mayor Honey.
Opisyal na ginawa ni Ordanes ang endorsement sa isang progama na dinaluhan ng mga leaders at members ng Senior Citizen Partylist. (ANDI GARCIA)