Advertisers
KUMPIYANSA ang abogado ng mga biktima ng war on drugs na si Atty. Kristina Conti, na malabong magtagumpay ang mga hakbang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kuwestyunin ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) ukol sa paghahain nito ng petisyon para sa pansamantalang pagpapalaya.
“I’ve studied jurisprudence. These motions—questioning jurisdiction or asking for interim liberty—are highly unlikely to succeed,” pahayag ni Conti sa kamakailang panayam.
Sinabi ni Conti, ang aksyon na ito ay tila bahagi ng isang pamilyar na defense strategy na layuning magpaliban at mag-deflect ng mga usapin sa kaso ng dating Pangulo.
Matatandaan na noong 2023, itinaguyod ng ICC na may hurisdiksyon pa rin ito sa mga krimen na nangyari sa bansa habang kasapi ang Pilipinas sa Rome Statute, kaya’t ang mga alegasyong ipinupukol sa International Court ay ‘wala umanong legal na batayan.
Dagdag pa ni Conti, ang mga argumento ng kalusugan o edad ni Duterte para sa pansamantalang pagpapalaya ay hindi sapat upang panigan umano ito ng ICC dahil ang ICC aniya ay batay sa batas at hindi sa emosyon.
“We’ve seen these arguments before—old age, poor health, national interest,” pahayag ni Conti. “But the court is guided by law, not emotion,” dagdag pa ni Conti.
Binigyang-diin pa ni Conti ang hindi makatarungang mga argumentong magpapakita ng posibleng paglabag sa karapatang pantao ng dating Pangulo sa ICC detention center, dahil para sa abugado ng mga biktima ng war on drugs maayos ang kondisyon ng pasilidad na tinutuluyan ni Duterte.