Advertisers

Advertisers

2 sundalo patay, 1 sugatan sa ambush

0 8

Advertisers

Nasawi ang dalawang tropa ng 18 th Infantry Battalion ng Philippine Army at isa ang malubhang nasugatan sa ambush sa Barangay Lahi-Lahu sa Tuburan, Basilan noong Biyernes.

Sa mga hiwalay na ulat ng Tuburan Municipal Police Station at ng mga opisyal ng 18th IB at ng 101st Infantry Brigade, agad na namatay sa mga tama ng bala sina Sgt. Reymark Bation at Cpl. Daquipel sanhi ng naturang pananambang na nagresulta din sa pagkakasugat ng kanilang kasamang si Cpl. Richivie Flores.

Galing sa isang lugar ang mga biktima at patungo sila sa sentro ng barangay Lahi-Lahi ng tambangan ng mga lalaking armado ng assault rifles na nakapwesto sa gilid ng highway.



Nagtutulungan ang mga imbestigador at mga intelligence units ng 18th IB at ng 101st Infantry Brigade sa pagkilala sa mga nag-ambush kina Bation, Daquipel at Flores na mabilis na nakatakas.