Advertisers
May mga bago nang deputy commissioners ng Bureau of Customs (BOC).
Ito’y makaraang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Michael Cristobal Fermin at Ronnel Beltrano Hombre.
Sang-ayon appointment papers nina Fermin at Hombre na nakalap ng Police Files Tonite, ipinagkakatiwala ni Pangulong Marcos sa mga ito ang mga nabanggit na puwesto.
Napag-alaman na papalitan ni Fermin bilang deputy commissioner si Erwin Mendoza habang papalitan naman ni Hombre si Allan Geronimo.
Bukod pa rito, sinasabing nanumpa na rin sa kanilang mga bagong posisyon sina Fermin at Hombre. (Gilbert Perdez)