Conversion ng B-day cakes ng seniors sa B-day cash pinuri ni Konsi Bong Marzan
Advertisers
BINIGYANG papuri ni Asenso Manileño official candidate for Councilor sa District IV na si Bgy. 497 Chairman Bong Marzan ang pagsang-ayon ni Manila Mayor Honey Lacuna sa kahilingan ng mga senior citizens ng lungsod i-convert na lang ang kanilang natatanggap na birthday cakes sa birthday cash.
Nabatid kay Marzan na kasalukuyan din ay Direktor ng Liga ng Barangay na nag-uusap na ang alkalde at si Vice Mayor Yul Servo para amyendahan ang umiiral na city ordinance para suportahan ang nasabing plano.
Labis na ikinagalak ni Marzan ang pagsang-ayon Lacuna at ang gagawing ordinansa na magsasabatas ng conversion ng B-day cake sa B-day cash ng mga seniors.
Ayon pa kay Marzan na pangunahing tagapagsulong ng kapakanan ng mga seniors sa Distrito Kuwatro ay napapanahon ang hakbang na ito para sa ating mga nakatatanda kung saan ang karamihan sa mga ito ay nagdaranas na ng suliranin sa kanilang sugar level.
Sinabi pa ni Marzan na mismong ang datos sa mga health centers ng lungsod ay magpapatunay na halos mayorya ng mga seniors na nagpupunta dito ay para magpatingin ng kanilang blood sugar o kaya naman ay kumuha ng libreng gamot para sa diabetes o high sugar.
“Karamihan po sa kanila ay di n mae-enjoy ang cakes at ang pagkain nito ay may dala panf peligro sa kanilang kalusugan,” sabi ni Marzan
Idinagdag pa nito na: “Sa halip na cake ay mas makabubuting i-convert na lang sa cash ang natatanggap ng ating mga seniors, upang makadagdag sa kanilang panggastos.”
Ang opisyal na pagsang-ayon o pagpayag ni Lacuna sa conversion ng b-day cakes sa b-day cash ay naganap mitong nakalipas na ‘Ugnayan’ sa mga residente kung saan halos umapaw ang San Andres Sports Complex, pinapili ng lady mayor ang mga senior citizens kung birthday cake o cash gift, at naging unanimous ang desisyon ng mga seniors kung saan cash gift ang kanilang pinili.
Kapag na-convert na ang birthday cake sa cash, sinabi ni Lacuna na mako-complement nito ang pagtaas ng monthly senior citizens allowance na kanyang dinoble mula P500 hanggang P1,000 kada buwan at ito ay sa pamamagitan din ng ordinansa na kanyang pinirmahan noong isang taon din.
Hindi pa batid kung magkano ang halaga ng b-day cash na ipapalit sa b-day cakes ng mga seniors. (ANDI GARCIA)