Advertisers

Advertisers

Citywide libreng tuli at libreng bakuna vs. MMR inanunsyo ni Konsi Bong Marzan

0 12

Advertisers

INANUNSYO ni Asenso Manileño official candidate for Councilor sa District 4 na si Bgy. 497 Chairman Bong Marzan sa lahat ng mga taga-Sampaloc na nagsimula na ang Citywide libreng tuli at libreng bakuna kontra measles, mumps at rubella (MMR).

Ayon kay Marzan ang libreng tuli ay pinangangasiwaan ng Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Arnold Pangan.

Nagsimula ang libreng tuli noong April 8 at matatapos sa April 25, 2025.



Sinabi pa ni Marzan na ang programang “Citywide Operation Tuli sa mga Health Centers” ay ginagawa nang first come, first served basis.

Kailangang magparehistro sa pinakamalapit na health center ang pasyente kung saan siya nakatira.

Samantala ay hinimok rin ni Marzan ang lahat ng mga nanay na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil kailangan protektahan ang mga bata sa lungsod kontra sa measles, mumps at rubella.

Nabatid na kailangan lamang magtungo ang mga magulang at guardians sa pinakamalapit na health center sa April 14. Sa ganitong paraan at mai-schedule ang mga anak para sa libreng bakuna.

Ang mga health workers mula (MHD) ay mag-iikot sa mga komunidad upang magbigay ng libreng MMR vaccines.



Ang mga target sa MMR vaccination at mga batang 13 hanggang 59 buwan o mahigit isang taon na pero wala pa sa edad na limang taon at ‘di pa nakakumpleto ng nasabing bakuna.

Nabatid na mayroong dalawang dosis ng bakuna ang ibinibibay sa mga bata. (ANDI GARCIA)