Advertisers
Lalo pang lumaki ang kalamangan ni Bicol Saro Congressman Brian Raymund Yamsuan kay Paranaque re- electionist Cong.Gustavo Tambunting makaraan magtala ito ng mahigit sa 70 porsiyentong preference rating laban sa incumbent solon ng 2nd congressional district ng lungsod na nakakuha lamang ng less than 4%.
Sa mga independent surveys na ginawa para sa distrito dos mula Disyembre ng 2024 hanggang sa ngayon,nananatiling bumabandera si Yamsuan laban kay Tambunting sa ratio na 7 to 1 o nangangahulugan nang inaasahang landslide victory para sa pambato ng Team Pag- asa.
Suportado rin ng lima sa walong barangay captains sa ikalawa distrito ng lungsod si Yamsuan sa pangunguna ni Barangay BF Captain Jeremy Marquez,anak ni former Paranaque City Mayor and actor- comedian Joey Marquez.
Ang Barangay BF ang sinasabing pinakamalaking barangay sa siyudad na may pinakamalaking botante.
Ang pamosong pro- poor advocacy ni Yamsuan ang sinasabing susi nito para tangkilikin ito ng karamihan sa mga residente ng Distrito Dos ng Paranaque City na binubuo ng mga senior citizens at kabataan.
Kinakitaan umano ng tunay na malasakit at pagmamahal sa mga constituents ng ikalawang distrito ang mambabatas na si Yamsuan over his rival na si Tambunting na sinasabing tuwing panahon lamang ng eleksyon bumababa at nagpaparamdam sa mga electorates ng Distrito Dos.
Ang malaking kalamangan ni Yamsuan ay dulot na rin ng bumubuhos na suportang nagmumula sa multi sectoral groups ng Distrito Dos na walang sawang binababaan at kinukonsulta on a regular basis ni Cong.Yamsuan bago pa man mag- umpisa ang official campaign period nitong nagdaang huling bahagi ng buwan ng Marso.
Base naman sa source ng inyong abang lungsod,nakakatiyak na ng panalo si Yamsuan sa nalalapit na pagdedeklara ng suporta ng maimpluwensiyang sekta ng Iglesias Ni Cristo (INC) na nakatakdang ipagkaloobn kay Yamsuan dahil na rin sa positibong papuri at pagtatangi ng mayorya sa mga residente ng Distrito Dos na consistently ay namo-monitor ng pamunuang lokal ng INC.
Ngayon pa lamang,binabati na natin ang down to earth at low profile na si Cong.Brian Yamsuan.
Mabuhay ka Bossing Brian.
Tunay na karapat- dapat kang maging Kinatawan ng mga taga- Distrito Dos ng lungsod Parañaque na matagal ding napabayaan at binalewala ng nakaupong kongresista.
Congrats and continue to be of blessings to every Parañaquenos sa Distrito Dos!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com