Advertisers
Pumanaw na si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam, kinumpirma ng kanyang pamilya nitong Biyernes, Abril 11.
Ayon sa anak ni Cam na si Marco, pumanaw ang kanyang ina nitong Huwebes, Abril 10 nguni’t hindi naman idinetalye ang sanhi ng pagpanaw nito.
“Mama Ningning is a resilient single mother who raised three sons into strong, capable men – each one carrying forward her legacy of serving the Filipino people with courage and compassion,” ani Marco.
“Her deep value for education likewise earned her recognition as an Outstanding Asian Public Servant and Educator in the Philippines,” dagdag pa niya.
“Her final role in public service was as a member of the Board of Directors of the PCSO where she devoted her remaining years to serving the poor and those in need,” pagpapatuloy nito.
Noong 2019, maaalalang umapela si Cam kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na alisin siya sa kanyang pwesto dahil sa ‘corruption issues’ sa ahensya. Nang panahong iyon, board member si Cam ng PCSO.
Aniya, nawalan ng malaking halaga ng salapi ang ahensya dahil sa mga kakulangan, katulad ng P10 bilyong pondo na nawawala dahil sa Peryahan ng Bayan project.
Si Cam, na isang kilalang tagasuporta ni Duterte, na itinalagang board member ng PCSO noong 2017.
Noong 2023 naman, humingi ng tawad si Cam kay Leila de Lima at sinabing ginamit lamang siya bilang isang ‘tool’ para maipakulong ang dating senador.