Advertisers
Makakaasa ang mga Filipino nang serbisyong tunay at may puso, mula sa numero 150 Pamilyako Partylist.
Ayon kay 1st nominee Atty. Anel Diaz, produkto mismo ng makabagong pamilyang filipino, ang kanilang mga programa kung saan ramdam nila ang nararanasang suliranin ng mga Single Parents, OFWs, at mga mag live-in partners.
Kaya handa nilang tugunan ito, sa pamamagitan ng mga proyektong pangkabuhayan, o livelihood.
Aniya, nag-identified lamang sila ng ilang lugar sa Pilipinas dahil limitado lamang ang kanilang resources, tulad ng pangangampanyan ng mga senador na kailangang libutin ang iba’t-ibang sulok ng bansa.
Sa pamamagitan ng kanyang dating estudyante sa Law, na si Atty. James San Diego, na lumalaban sa pagka-alkalde ng Plaridel, nakiisa siya sa motorcade.
Dahil naniniwala siya na may puwang ang partido ng PamilyaKo partylist sa pangangailangan ng mga residente dito sa Plaridel at sa lalawigan ng Bulacan.
Sa kasalukuyan, nasa 12 lalawigan na ang kanilang napuntahan, mula sa Bacolod, Bataan, Batangas, Cavite, General Santos City, Iloilo, Manaoag Pangasinan, Dumaguete, Manila, Lucena, Negros, Rizal, at Bulacan.(Thony Arcenal)