Advertisers

Advertisers

Pacquiao 3W – 2L!

0 8

Advertisers

Kung sa boxing ay may 62 W-8 L-2 D na record si Manny Pacquiao.

Tatlong panalo at dalawang talo naman ang pambansang kamao sa kanyang karera sa pulitika.

Unang kumandidato si Pacman sa GenSan bilang kongresista taong 2007. Kahit kasikatan ay dinaig siya ni Darlene Custodio na mula sa isang political dynasty.



Noong 2010 ay lumipat siya ng distrito. Sa Sarangani siya tumakbo at nagwagi. Nahalal muli noong 2013.

Umakyat sa Senado 2016. Tapos nag-ambisyon maging pangulo ng bansa nang sumunod na presidential elections nguni’t nabigo.

Kaya bale sa first round sa halalan ay olat. Sunod na tatlo ay lusot bago minalas muli.

Sa Mayo ay pwede natin sabihin mas lamang ang W. Una nasa tiket siya ng administrasyon at pumapasok naman sa mga survey kahit sa bandang dulo na siya ng Magic 12.

Si Pepeng Kirat ayaw na iboto ang anak ni Aling Dionesia. Hindi daw bagay sa asawa ni Jinkee ang posisyon na mambabatas. Idolo kasi ni Pepe sina Jovito Salonga at Rene Saguisag na malayo ang 8x world boxing champ. Mahuhusay amg mga iyon at nasa puso ang trabaho sa Mataas na Kapulungan.



Si Aling Barang hindi na raw kabilang si Pacquiao sa kanyang balota sa Mayo.

***

Maraming pakulo ang PBA@50. Bukod sa Greatest Players updated list, may mga retro uniform, mga trivia at may game pa sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.

Pero sabi ni Tata Selo ay ang unang laro ng liga ay sa Araneta Coliseum ginanap.

Yung ginawang SMB vs Meralco noong isang araw na mga naka lumang jersey ay medyo pilit.

Oo ang San Miguel ay original na miyembro nang magbukas ang pro league taong 1975.

Ang Meralco naman kasapi ng MICAA na pinanggalingan ng mga kasapi sa PBA pero nabuwag ang koponan at napunta sa Komatsu-Toyota ang mga player. Napabilang naman Bolts sa bayan ng superstars nito lamang 2010.

Kaso nga wala ng team na maarng iharap sa Beermen kaya yon na ang pinakamalapit sa realidad.

***

Nasumpungan ni Ka Berong sa Facebook ang pahayag ni Atoy Co na mas mahusay ang team niyang Crispa kaysa karibal nilang Toyota.

Nakadalawa raw kasing grandslam ang Redmanizers samantalang ang Super Corollas ay ni isa wala.

Mahaba-haba rin ang rivalry ng mga prangkisa ng mga Floro at mga Silverio. Ito ay mula 1975 hangggang 1984 nang magkasunod silang nabuwag.

Ayon sa Fortune Cookie ay walang katulad ang mga laban nila noon nina Robert Jaworski at mga kakampi.

May isang game pa sila noon na nagkaroon ng rumble at nadala sila sa stockade ng PNP sa Camp Crame.