Advertisers

Advertisers

NBI: UTAK NG ‘POLVORON VIDEO’ KINASUHAN NA SA DOJ!

0 26

Advertisers

NAGSAMPA na ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa nasa likod ng pagpapakalat ng “polvoron video” na nag-viral noong nakaraang taon.

Sa ambush interview kay NBI Director Jaime Santiago, nagsampa na raw sila ng kaso sa nagpakalat ng video kung saan diumano’y gumagamit ng cocaine si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay matapos na rin ang pahayag ng Malacañang na ipinauubaya na nila sa Department of Justice (DOJ) at NBI ang paghahain ng reklamo kaugnay dito.



Samantala, sinabi pa ni Santiago na ma-gagamit din ang ibinunyag ng isang resource speaker sa pagdinig ng House Tri-Committee tungkol sa paglaganap ng fake news.

Idiniin dito na si Atty. Harry Roque umano ang nasa likod ng pagpapakalat ng video.