Advertisers

Advertisers

Monet Lu Excited Na Sa Year 2 Ng Mister Philippines USA Nila Ng Bff Na Si Ms. Lou Razon; Actor-Comedian Jabo Allstar, Hindi Nawawalan Ng Raket!

0 31

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

NAGING busy ang aming dear good friend famous Salon owner na si Monet Lu, sa nakaraang Metro International Film Festival o MIFF na held in San Francisco, California. Tatanggap kasi ng Lifetime Achievement Award sa MIFF ang iconic Bff actress ni Monet na si Vilma Santos kaya present talaga siya sa awards night na dinaluhan ng ilang artistang may pelikula sa MMFF 2024 na gaya nina Lorna Tolentino and Janice de Belen from Espantaho movie na parehong friend din ni Monet.

Ilan pa sa na-meet ni Monet ay sina Ruru Madrid, Arjo Atayde, Seth Fedelin, etc. By the way excited na si Monet para sa kanilang Mister Philippines USA ng Bff na si Ms. Lou Razon na nasa Year 2. Tumatanggap na sila ng mga aplikante na ages 18 to 25 years old. Matatandaang si Zack Tolentino ang kauna-unahang itinanghal na Mr. Philippines USA 2024. Fabulous ang premyong mapapanalunan ng bagong hihiranging Mr Philippines USA 2025 sa mga parating na buwan. Dinudumog na rin ang audition ng Miss Philippines USA at Miss Young Philippines USA 2025.



Sa mga interesado? Magtext lang sa 818.242.2088 o email sa www.missphilusa.com. At syempre sa pageant na ito ay abala rin si Monet sa pamamahala ng ilang dekada na niyang MONET SALON, na located sa 13553 Roscoe Blvd Panorama City, in Hollywood, California. Nasa tapat lang ito ng popular na MAMI KING.

***

DATING sumama lang sa mga taping noon ni Jake Vargas si Jabo Allstar. Ngayon ay siya na ang umaarte sa harap ng camera at kinilala ng komedyanteng character actor. Yes, marami nang naging guesting si Jabo sa GMA 7 at tinatanaw niya ito ng malaking utang na loob kay Jake at ang actor ang naging daan niya para mapasok ang showbiz. Madalas na guest si Jabo sa Pepito Manaloto at Bubble Gang. At naaliw kami sa kanya sa episode ng Pepito Manaloto na gumanap siyang security guard kung saan nakaeksena niya si Ronnie Henares. May mga nagawa na rin siyang teleserye at alaga si Jabo ng VAA o Viva Artists Agency. Segment host din ang komedyante sa “CAYETANO IN ACTION WITH BOY ABUNDA,” at Mari Team ang tawag sa kanila rito.

He’s working also behind camera. Well, dahil talented itong si Jabo, tiyak na may future talaga siya sa showbiz lalo’t maganda rin ang kanyang PR. At sosyal nakakapag-travel na rin siya abroad kasama ang mahal sa buhay. Good luck and more projects for you Jabo Allstar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">