Mayor Honey umapela sa mga taga-Maynila na pabakunahan ang mga anak kontra MMR
Advertisers
UMAPELA si Mayor Honey Lacuna sa mga residente na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra measles, mumps at rubella (MMR).
Iginiit ni Lacuna, na isa ring doctor, na kailangan protektahan ang mga bata sa lungsod sa pamamagitan ng libreng bakuna kapag available na ito.
Hinimok ng alkalde ang mga magulang at guardians na makipagtulungan sa pinakamalapit na health center sa April 14. Sa ganitong paraan at mai-schedule ang mga anak para sa libreng bakuna.
Sinabi ni Lacuna na sa kabila na walang eksaktong lunas para sa measles, pero kapag nagsimula na ang infection, ay maiiwasan ito sa pamamagitan ng bakuna.
Ayon pa sa alkalde,ang mga health workers mula sa Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Arnold Pangan ay mag-iikot sa mga komunidad upang magbigay ng libreng MMR vaccines.
Ang mga target sa MMR vaccination at mga batang 13 hanggang 59 buwan o mahigit isang taon na pero wala pa sa edad na limang taon at ‘di pa nakakumpleto ng nasabing bakuna.
Nabatid na mayroong dalawang dosis ng bakuna ang ibinibibay sa mga bata.
Sa iba pang kaganapan, ang MHD ay nagsasagawa din ng Iibreng tuli na nagsimula. noong April 8 at matatapos sa April 25, 2025.
Ang programang “Citywide Operation Tuli sa mga Health Centers” ay ginagawa nang first come, first served basis.
Kailangang magparehistro sa pinakamalapit na health center ang pasyente kung saan siya nakatira. (ANDI GARCIA)