Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KUNG may mga naawa kay Dennis Padilla sa naging sentimyento nito sa social media na pakiramdam niya ay bisita lang siya sa kasal ng sariling anak na si Claudia Barretto, may mga nam-bash din sa kanya at sinabing buti pa nga raw at naimbitahan siya.
Hindi naman na nakatiis ang kapatid ni Dennis na si Gene at ipinagtanggol ang kaniyang kuya. Kasama rin pala ito at ina nila na dumalo sa kasal nina Claudia at Basti Lorenzo.
Manahimik daw ang nasabing basher dahil wala itong alam sa buong pangyayari at karanasan nila nu’ng araw na yun.
Ngayon lang daw naka-witness si Gene na walang partisipasyon ang ama ng bride sa kasal ng anak niya. Excited pa naman daw ang kaniyang kuya. Wala raw kumausap sa kanilang event organizer at walang abiso kung lalakad ba ang ama papuntang altar.
Nagtanong daw sila kung saan uupo ang kanilang ina at sinabi kahit saan na lang daw at si Dennis ay pinaupo na lamang daw sa tabi ng mga ninong.
Naiyak daw ang kuya at ang ina niya. Nag-papicture na lamang daw sila sa simbahan. Hindi na pumunta sa reception at umuwi na lamang.
Mensahe ni Gene sa pamangkin na si Claudia, ang tagal daw na panahon na nanunuyo at nanghingi ng atensyon ang ama nila sa kanilang magkakapatid. Iyon daw ba ang itinanim ng mga nakapaligid sa kanila?
Dagdag pa niya, “puro kayo karangyaan at kasikatan… sa inyo na lahat yan… sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo… pero pinag kaiba namin sa inyo ay yung puso namin at dignidad.”
***
NANG sumalang si Judy Ann Santos sa segment na Fast Talk ng showbiz oriented talk show na Fast Talk With Boy Abunda, isa sa naitanong sa kanya kung sino ang pinakamagandang artista para sa kanya, ang naging sagot niya ay si Kristine Hermosa. (Same, si Kristine rin sa akin-ed)
O di ba, bongga ang misis ni Oyo Boy Sotto dahil sa rami ng magagandang aktres sa showbiz ay siya ang binanggit ni Juday na pinakamagandang artista.
Siguradong maraming mamba-bash kay Juday at sasabihin nila na mmarami pang artistang mas maganda kay Kristine.at magbabanggit pa sila ng mga pangalan.
Pero irespeto na lang nila dapat si Juday, kung para sa kanya ay si Kristine ang pinakamaganda, di ba? Choice niya si Kristine, wala tayong magagawa.
In fairness naman kay Kristine, nakita na namin siya ng personal noong aktibo pa siya sa showbiz at talaga namang maganda siya.
Sa tanong naman kung sino ang pinakamagaling na artista para sa kanya, ang sagot niya ay ang parehong sumakabilang buhay na, sina Charito Solis at Nida Blanca.