Advertisers
DARATING ang panahon magiging tanghalan ng mga BUGOK ang Senado. Itaga nyo ‘yan sa bato!
HIndi na talaga maibabalik ang talino at husay ng mga nakaraang miyembro ng Senado gaya nina former senators Jovito Salonga, Raul Roco, Lorenzo Tanada, Rene Saguisag, Renato Cayetano, Aquilino Pimentel, ang ilan sa kanila.
Mapapamura ka, dahil ngayon, puro galing sa row-4 tabi ng basurahan ang karamihan sa mga kumandidato sa pagka-senador ngayong 2025 mid-term senatorial and local elections.
Kundi ta-ar-tits, bongsingero, TV variety host, broadcaster daw.
Unahin natin ang action star na si Philip Salvador. Wala siyang ibang ipinagmalaki kundi ang kanyang pagka-artista. Nakupo!
Si Kuya Wil na sa tunay na pangalan ay Wilfredo “Willie” Buendia Revillame a.k.a Hep-hep, horay!, Bigyan ng Jacket ‘yan. Nakupo!
Ang pambansang boksingero na si Manny Pacquiao. Napakaswerte nitong mama na ‘to. Biruin ba namang nai-line up pa siya sa partido ni PBBM, ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas e samantalang tinadtad nya ng batikos si PBBM nung nakigulo siya sa panguluhang halalan noong 2022.
Kesyo magnanakaw ang pamilya Marcos, bakit natin iboboto. Hahabulin niya ang nakaw na yaman ng pamilya Marcos kapag nanalo siyang presidente.
Neknek mo, nasaan ka ngayon? E di nabulunan ka sa sinabi mo, ungas!
Si Binoe na astang siga-siga sa senado. Nagkakanda-bulol kapag ini-interpelate na siya ng kapwa senador. Nakupoooo! “I move, I move.”
Si supremo ng Batang Quiapo, si Lito-Lito-Lapid-Lapid. Nakupooooo!
Si anak ng Teteng Bong Revilla, ok, matagal na siya sa senado, at least, medyo malawak na ang kanyang karanasan.
Si Bong pala ang principal author ng Republic Act (RA) No. 11982) or the Expanded Centenarians Act.
Good job!
Ang kapatid ni Joey Escalera na si Tito Escalera sa TV sitcom na Skul Bukol. Well, naging Senate President at totoo namang matagal na rin nagsilbing senador. Pero sorry Tito Sen, tinatamad akong mag-google para i-search ang mga hindi at naipasa mong proposed measures na ikaw mismo ang principal author.
Ngapala, si Pareng Jinggoy. Lintek na muntik ko pa makalimutan. Senate majority leader sya ngayon. ‘Yun lang.
Eto gat-ma-bi. Di man sila ta-ar-tits pero sila ang sumisikat na political dynasty. Presenting, the Tulfo siblings…. Hep-hep, horayyyy!
Sina Erwin at Ben Tulfo na kapatid ni Senator Raffy Tulfo ay lintek na ‘yan, pasok sila sa survey. Kapag sinuwerte, tatlo silang Tulfo sa Senado.
At hindi lang dun nagtatapos ang political dynasty ng Tulfo family. Sa House of Representatives, nandun ang asawa ni Raffy na si Rep. Jocelyn ng ACT-CIS partylist at anak na si Ralph Tuflo, kongresista ng 2nd district sa Quezon City.
Narinig ko sa radyo, plano raw ni Ralph na tumakbong mayor sa QC kalaban si Rep. Anjo Atayde na kasalukuyang congressman sa 1st district ng lungsod.
May dagdag pa pala. ‘Yung kapatid nilang babae na si Wanda Tulfo-Teo, dating tourism secretary na nominee ng Turismo partylist. Nakupo, baka makakuha ng seat sa Kongreso.
2018, panahon ng nakaraang administrasyon, naging kontrobersya itong si Ms. Wanda.
Nag-resigned bilang Tourism secretary makaraang mabisto ng Commission on Audit ang ad placement na P60 million ang halaga ng tourism ads sa “Kilos Pronto”, isang block-timer show sa PTV-4, sa kabila ng kakulangan ng isang memorandum of agreement o contract.
Sina Erwin at Ben ang producers at hosts ng “Kilos Pronto”. Kung bitin pa kayo, hanapin nyo sa google ‘to ‘Tulfo vs Tulfo: Mon reprimands siblings Wanda, Ben over P60M ad deal’ ABS-CBN News Published May 10, 2018.
Sakali naman pumabor ang panahon sa pamilya Tulfo, e manigas kayong lahat!
Biruin mo, sina Raffy, Erwin at Ben sa Seando. Sina Jocelyn, Ralph at Wanda naman sa Kongreso.
Aba’y walastik na, walandyu pa!
Pero sa totoo lang at sarili po itong forecast ng CONGRESS FILES, sakaling mag-aspire si Speaker Martin Romualdez na panguluhan sa 2028, sa aking palagay, isa lang ang pwedeng mangyari, ang makakuha siya ng “alas” na ka-partner.
Pwede sya mamili kina Raffy at Erwin!
Tapos ang laban!
***
Fake news pa more
SA sorbang talamak ng pagkalat ng mga fake news at gawa-gawang krimen sa social media, totoong nagduduklot ito ng takot sa publiko at sumisira sa progreso ng ating ekonomiya.
Paalala ni Speaker Martin Romualdez, “wag tayong maging tagapagsalita ng kasinungalingan. While real crime is going down, fabricated stories and scripted videos are spreading like wildfire online. Fear is being peddled for clicks and views. That’s not just irresponsible—it’s dangerous.”
Sa opisyal na datos ng Philippine National Police (PNP) nagkaroon ng 26.76 percent na panbaba sa focus crimes, mula sa 4,817 na kaso sa pagitan ng January 1 hanggang February 14, 2024, bumama ito sa 3,528 sa kaparehong buwan ngayong taon.
Kabilang sa focus crimes ang pagnanakw, robbery, panggagahasa, murder, homicide, physical injury at pagnanakaw ng motorsiklo at iba pang motored vehicles. Sa naturang mga kayo, pinakamalaki ang ibinaba ng mga kaso ng rape na nasa 50 percent.