Advertisers

Advertisers

Grab driver hinoldap at pinatay ng 2 pasahero

0 20

Advertisers

Natagpuan ang isang Grab driver na patay sa gilid ng kalsada sa Cavite noong Lunes na napag-alamang biktima ng panghoholdap ng dalawang lalaking nag-book sa kanila habang nakaligtas ang kasama nitong co-driver/helper na inabandona ng mga suspek sa isang lugar sa Batangas City.

Sa ulat ng Tagaytay Police, Lunes 7:20 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng biktimang si alyas “Dexter”, nasa hustong gulang, driver ng Grab booking app.

Nakitaan ang biktima ng mga tama ng bala sa katawan at ulo nang matagpuan ng ilang residente sa Tagaytay-Mendez Road sa Brgy. Patutong Malaki North, Tagaytay City, Cavite.



Sa follow-up investigation ng pulisya, kinilala ng mga kamag-anak nitong biktima at sa kanilang salaysay, bumiyahe ito araw-araw ng Linggo pa-Cavite matapos na may mag-book sa kanilang sasakyan.

Dalawang suspek umano ang nag-book at sumakay sa mga biktima kasama ang co-driver/helper nito na si alyas “Roel” gamit ang Mitsubishi Montero na pag-aari ni Dexter.

Ayon kay Police Col. Jefferson Ison, hepe ng Tagaytay City Police, “holdap” ang motibo sa naganap na insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagbiyahe umano ng dalawang salarin sa SUV, agad silang nag-hold-up at habang bumibiyahe nilimas ng mga salarin ang pera, alahas, cellphone at iba pang mahahalagang gamit nina Dexter at Roel.

Hindi pa nasiyahan, pinagbabaril pa ng mga salarin si Dexter at itinapon sa gilid ng kalsada sa may Tagaytay-Mendez Road ang duguang bangkay nito habang ang kanyang kasama na si Roel, ibinaba sa ‘di kalayuan sa isang malaking mall sa Lipa, Batangas.



Dahil sa takot, hindi agad nakapag-report sa pulisya si Roel sa kanilang sinapit.

Tinangay rin ng mga salarin ang nasabing SUV na kung saan kanilang inabandona sa isang lugar sa Tagaytay City.