Advertisers

Advertisers

Expanded Magna Carta para sa mga tsuper hangad ni Brian Poe

0 11

Advertisers

Titiyakin ng FPJ Panday Bayanihan partylist na ganap na maipatupad Magna Carta para sa mga driver ng pampublikong transportasyon upang protektahan ang kanilang karapatan at malaanan ng sapat na benepisyo.

Sinabi ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ PL, ninanais niyang palawigin ang panukala upang masaklaw ng benepisyo ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

May nakahaing House Bill 11227, na kilala rin bilang Magna Carta para sa mga Tricycle Drivers at Operators.



Puntirya natin gawing expanded ang panukalang batas na nangangalaga sa lahat ng tsuper para sa mga karapatan at nagsisiguro na magkaroon sila ng social security at healthcare benefit, saad ni Poe.

Bunsod ng walang katiyakan o sapat na kita ang mga tsuper ay hangad ng FPJ Panday Bayanihan Partylist na makapagbigay ng scholarship program para sa mga anak ng driver upang matulungan silang makapag- aral at makamit ang kanilang mga pangarap.

Nilalayon din ng FPJ Panday Bayanihan partylist na suportahan ang mga driver sa pamamagitan ng tulong pinansyal at pagsasanay.