Advertisers
UMISKOR si Anthony Edwards ng 44 points upang tulungan ang Minnesota Timberwolves na tibagin ang Memphis Grizzlies, 141-125, sa kanilang crucial Western Conference clash Huwebes ng gabi (Biyernes Manila time)sa FedExForum sa Memphis, Tennessee.
Nakatanggap si Edwards ng offensive support mula kay Julius Randle, na nagtapos ng 31 points,10 rebounds at five assists, habang si Naz Reid nagdagdag ng 14 points mula sa bench.
Ja Morant pinamunuan ang Grizzlies sa iniskor na 36 points, habang si Desmond Bane nagdagdag ng 28 points at Jaren Jackson Jr. 23.
Ang resulta ay ang huling twist sa Western Conference bakbakan para sa playoff places na may limang team ang mag labanlaban para sa natitirang tatlong post-season berths sa final days ng regular season.
Memphis, Minnesota at ang Golden State Warriors ay parehong may 47-33 rekords na may 2 games natitira, habang ang Denver Nuggets at Los Angeles Clippers ang nasa unahan na may parehong 48-32.
“We’ve got two more tough games, we’ve got a game tomorrow and then a game on Sunday — we don’t know what’s ahead of us, we’ve just got to take care of business,” Wika ni Edwards pagkatapos.