Advertisers
Ni Archie Liao
SOBRANG nasaktan si Dennis Padilla sa diumanoý naging shabby treatment sa kanya sa kasal ng anak na si Claudia Barretto.
Pumunta raw kasi siya sa paniniwalang siya ang maghahatid sa altar kay Claudia being the father of the bride.
Katunayan, sinabi pa raw sa kanya ni Claudia na she wants him to look his best kaya maghanda ito sa kasal.
BAGAMA’T walang natanggap na imbitasyon, pumunta raw siya dahil nagmensahe anya naman ang anak tungkol sa details as to the venue at time ng kasal.
Siyempre, excited daw siya na ihatid sa dambana si Claudia pero noong dumating daw sila sa venue kasama ang ina at kapatid na si Gene ay hindi nila alam kung saan sila lulugar.
Sabi raw ng coordinator ay umupo na lang siya sa lugar ng mga ninong na hindi raw naman niya ginawa dahil ayaw niyang magnakaw ng eksena lalo pa’t may designated seats ang mga ito.
Napahiya raw siya at ginusto nang umuwi pero napigil daw siya nang sabihan ng coordinator na gusto ni Claudia na magkaroon ng photo kasama siya.
Maging ang ina at kapatid daw niya ay nasaktan at nagdalang-habag sa kanya.
Sa vlog ni Ogie Diaz, naidetalye rin ni Dennis ang cryptic post tungkol umano sa ‘father of the bride’ na naging visitor na hugot niya sa social media.
“Nakatayo lang ako nag-oobserve. Pumapatak luha ko grabe. One of the most painful part ng buhay ko… wala to sa kalahati ng naranasan ko sa mga nakaraan,” salaysay niya. “Sa totoo lang Ogie, mas masaya pa kung di ako invited tapos dumating din ako. Mas gusto ko pa. Kasi hindi na nila pinansin, problema mo yun… Wala kang inexpect,” dagdag niya.
Pagkatapos daw ng nangyari, tinawagan niya sina Julia at Leon, subalit dinedma lang siya ng mga ito kaya raw siya napilitang mag-post at nakapagkomento ng “Kapal nyo.”
Dahil sa nangyari, napagtanto raw niyang wakasan na ng tuluyan ang ugnayan sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.
“Ayaw ko na, surrender na, finish. Tatay nalang nila ako. Pero bringing back the relationship, wala na siguro”, sey niya. “Ngayon ko lang na-realize. Not one of my children even posted my picture in their Instagram… Ni wala akong picture sa kahit anong social media nila. Ni walang mention ng pangalan ko, ng nanay ko, ng tatay ko na artista din sa kanilang social media post. As in, zero. Why?”, paghihimutok niya.
May buwelta rin daw siya sa mga bumabatikos sa kanya bilang toxic father.
“Sabi nila ako yung toxic. Talaga ba?” “Wala na, I’m sorry wala na. Napagod na,” pagtatapos niya.
Bilang pagtatapos ng ugnayan sa mga anak kay Marjorie, buburahin na rin daw niya ang mga litrato ng mga ito sa kanyang wall.