Advertisers

Advertisers

BONG GO, MGA KANDIDATO NG CHINA

0 38

Advertisers

MAHIGPIT na pinag-iingat ang sambayanang Filipino sa mga kandidato ng China. Naglisaw at naglipana sila sa paligid ngayong halalan. Sila ang mga aso, buwitre, at buwaya na ang tanging layunin ay bigyan katuparan ang pananakop ng China sa teritoryo ng Filipino. Ipinaglalaban nila ang interes ng China sa bansa.

Nangunguna si Bong Go, ang kandidato ng PDP-Laban at tumatakbong bilang reeleksiyonista sa Mayo 12. Kasama niya si Bato dela Rosa, ang nerbiyosong senador na nanguna sa madugo per palpak na giyera kontra droga ni Gongdi. Hindi nalalayo si Francis Tolentino, ang balimbing na mambabatas at deep penetration agent (DPA) ni Gongdi sa hanay ng administrasyon.

Hindi nalalayo si Imee Marcos, ang senador na namamangka sa dalawang panig ng ilog. Hindi malayo sa kanila si Greg Honasan na naglunsad ng bigong signature campaign bilang pagtutol sa pagdakip kay Gongdi at pagdala sa kanya sa The Hague upang harapin ang crimes against humanity na isinampa laban sa kanya nina Sonny Trillanes, Greg Alejano, at kahit ng mga pamilya ng mga pinaslang sa EJK.



Sila ang mga kandidato ng Peking sa susunod na halalan. Hindi sila magsasalita kontra China kahit binabangga ang mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard at mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea. Sinasakop ng China ang ilang bahagi ng WPS sa maling paniwala na sa kanila ang WPS. Tinututulan ng gobyerno ng Filipinas ang pagsakop at pag-aangkin ng China sa mga naturang bahagi. Atin ang WPS, ito ang sigaw ng Filipinas sa isyu.

Huwag ihahalal si Bong Go, Bato, Francis, Imee, at Honasan at huwag tayong magpaloko sa kanila. Sila ang mga kandidato ng China sa halalan. Hindi mo sila maririnig na nagpapahayag ng anumang damdamin na kontra China kahit anong gawin ng mga naglipanang sasakyang dagat na Intsik sa mga sasakyang dagat ng Filipinas.

***

HINDI nagklik ang imbestigasyon ng komite ni Imee Marcos hinggil sa pagkakaaresto ni Gongdi at pagkakadala sa kanya sa The Hague. Mas tumibay lalo ang posisyon ng administrasyon ni BBM na totoong ibinigay nila sa ICC si Gongdi upang mapanagot sa malawakang patayan na isinagawa noong siya ang pangulo. Wala kaming nakikitang mali sa posisyon ng administrasyon ng ICC. Wala itong nilabag na batas.

May batayang legal ang lahat ng galaw ng administrasyon ni BB, Hindi napatunayan na mali kung pagbabatayan ang posisyon ni Imee. Wala siyang napatunayan sa imbestigasyon kahit pilit na hinahanapan ni Imee ng kamalian ang opisyal na polisiya ng gobyerno. Nangangawit ang panga niya sa paghahanap na mali pero wala siyang napatunayan. Mas nagdidiin siya kahit anong gawin niya pag-iimbestiga.



Hindi mapapabalik ng komite ni Imee si Gongdi. Hindi gagalaw ang International Criminal Court (ICC) dahil nag-iimbestiga ang komite ni Imee. Tulad ng sinabi namin: nangangawit lang ang panga niya sa paghihintay. Hindi ganoon kadali na ibalik si Gongdi. Masanay sila na hindi pakakawalan ng ICC si Gongdi kahit matapos ang termino ni BBM sa 2028.

***

HINDI akalain na babawiin ng isang bahagi ng LGBT++ community ang suporta nila kay Heidi Mendoza dahil hindi sinusuportahan ni Heidi ang same sex marriage. Walang pag-asa iyan sa Filipinas. Hindi tatanggapin ng mga Filipino ang ganyang polisiya kahit sa susunod na isang daan taon. Hindi iindain ni Heidi ang pagkawala ng kanilang boto.

Ang totoo ay mas titibay ang suporta ng konserbatibong bahagi ng ating populasyon kay Heidi na tumatakbo bilang isang independent. Walang maikinarya si Heidi sa halalan. Hindi siya mayaman tulad ng ibang kandidato na may mayroon limpak-limpak na salapi sa halalan. Tanging ang kanyang walang dungis na dangal ang puhunan ni Heidi sa paghingi ng suporta sa mga mamamayan. Mabuhay ka Heidi!

Palaisipan pa rin sa amin kung bakit susuportahan ang mga kandidato ng Peking tulad ni Imee, Bong Go, Bato, Francis, at kahit si Greg Honasan. Bakit iboboto ang mga mangmang at walang nalalaman na kandidato tulad ni Lito Lapid, Bong Revilla (o Pandaya), Willie Revillame, Philip Salvador, at mga Tulfo? Manigas sila.

***

ISA pang isyu na kasalukuyang bumabagabag sa bansa ay tungkol sa arrest warrant na maaaring ipalabas ng ICC laban kay Bato, Oscar Albayalde, Bong Go, at kahit kay Misfit Sara at iba pang akusado sa isyu ng crimes against humanity laban kay Gongdi. Hindi nagbigay ang ICC ng anumang petsa kung kailan ito bababa pero nagpaparamdam ang ICC na hindi ito tinatalikuran. Maaari itong bumaba anumang oras mula ngayon laban sa kanila.