Advertisers

Advertisers

Anti-bullying CCTV cameras, IT gadgets, swak sa ‘smart schools’ na pangako ni Ate Sarah sa mga batang Pasig

0 5

Advertisers

“Ang mga paaralan ay dapat na prayoridad ang kaligtasan at pagkatuto ng mga bata sa pamamagitan ng IT-driven learning, inklusibong scholarships, at paglaban sa bullying.”

Nakapaloob sa ‘smart  schools’ na pangako Sarah Discaya para sa mga batang mag-aaral sa lungsod na ito ang IT gadgets at learning supplies at CCTV camera upang mapigilan ang bullying sa mga paaralan.



“Ang paglagay ng anti-bullying measures ‘tulad ng CCTV cameras

sa ‘smart schools’ na pangarap ko para sa mga batang mag-aaral ay pananggalang laban sa mga batang maton o mambu-bully,”

Ang mga CCTV camera, ayon kay Discaya, ay magagamit ng Child Protection Committee ng bawat paaralan upang kagyat na maresolba ang anomang bullying complaints.

Si Discaya, na kilala bilang Ate Sarah at aspirante sa pagka-alkalde sa lungsod na ito, ay pursigidong isulong na maging ‘smart city’ ang Pasig kapag pinalad umanong manalo sa darating na May 12 election.

“Ang pangarap kong ‘smart city’ ay nakapaloob ang smart schools na sapat ang mga klasrum na mayroong state-of-the-art facilities at kumpleto sa mga gamit ang mag-aaral at mga guro; smart hospitals na hindi nauubusan ng gamot at kumpleto sa medical facilities at mga nag-aasikasong doktor, nurses at medical staff, at smart housing project na mayroon pangkabuhayang ang awardees,” pahayag ni Discaya.



Ang plano ji Discaya na paglagay ng anti-bullying equipment sa ‘smart schools’ ay susog din sa panawagan ni Sen. Sherwin Gatchlian  na maglagay ng mga closed-circuit television (CCTV) cameras sa mga classroom upang maiwasan ang school violence.

“Kailangan din na palakasin sa bawat paaralan ang anti-bullying measures o programang sasawata sa pambu-bully sa pamamagitan ng aktibo at mahigpit na pagganap sa tungkulin ng Child Protection Committee,” mariing pahayag ni Discaya.

Ayon sa Department of Education, mayroon lamang 966 sa kabuuang 45,000 paaralan sa bansa ang may maayos na Anti-Bullying Committee.

Bukod dito, tanging dalawang porsyento pa lamang ng mga paaralan ang may Child Protection Committee, bagay na maituturing na paglabag sa umiiral na batas.