Advertisers

Advertisers

7 pulis ‘person of interest’ sa pamamaril kay Kervin Espinosa

0 11

Advertisers

Pitong (7) pulis ang ‘person of interest’ na nasa likod ng pamamaril at maubluhang ikinasugat ng self-confessed drug lord at mayor candidate na Roland ‘Kervin’ Espinosa at dalawa pang iba habang nagsasagawa ng campaign rally sa Albuera, Leyte nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay BGen Jean Fajardo, PNP Spokesperson at Central Luzon Regional Director, hawak ng Albuera Police Station ang nasabing 7 pulis na ‘person of interest’ habang sumasailalim sa imbestigasyon.

Aniya, ang nasabing mga pulis na kinabibilangan ng 2 opisyal, 5 non-commission officer na pawang nakatalaga sa Ormoc City Police Station.

Sinabi ni Fajardo na matapos ang pamamaril isang SUV na Montero na ‘di umano sinakyan ng salarin ang mabilis na umalis kaya hinabol ito ng mga otoridad hanggang masundang na pumasok sa isang compound sa nasabing munisipalidad.

Nang pasukin ng mga otoridad ang nasabing compound dalawang sasakyan ang nakita at doon naabutan ang 7 nasabing mga pulis. Narekober ng mga otoridad ang 5 armalite rifle at 2 cal 45 pistol.

Iinasailalim na ang mga nasabing baril sa ballistic examination habang ang 7 mga pulis naman isinailalim na rin sa paraffin test upang alamin kung sino ang nagpaputok ng baril.

Isa sa mga tinitignan ng mga otoridad na isang snipper ang namaril kay Espinosa dahil sa wala naman nakita lumapit sa biktima nang barilin ito. Inaalam na rin kung ano ang ginagawa ng mga pulis sa nasabing bayan.

Sa report, nakaupo si Espinosa sa isang monoblock chair sa isang stage habang naghihintay ng kanyang talumpati sa isinagawang campaign rally ng isang putok ng baril ang umalingawngaw sa Brgy. Tinag-an, Albuera, Leyte Gymnasium.

Tinamaan si Espinosa sa kaliwang balikat na tumagos at tamaan isang Aira Matinelle Colasito, at Mariel Espinosa Marinay a.k.a “RR”, na tumatakbong Vice Mayor.(Mark Obleada)