Advertisers
Arestado sa buy bust operation ang dalawang lalaki na kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Director BGen. Jean S. Fajardo kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Mark 39 residente ng Brgy. Concepcion Baliwag City; at alyas Rodel 46- anyos, construction worker residente ng Northville-7 Brgy. Malis, Guguinto, Bulacan.
Base sa paunang imbestigasyon ni Acting Cop, Lt.Col.Cristian Alucod, ganap na 5:30 ng umaga nito Abril 11 2025 ng masukol ang mga suspek sa Brgy, Poblacion Guiguinto.
Nabatid na kapwa kabikang sa Unified PDEA Watchlist ang mga naarestong drug-pusher.
Nakumpiska mula sa dalawa ang 150 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P 1,020,000.00 at buy bust money.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Guguinto Municipal Jail, sa kasong paglabag sa RA 9165.(Thony D. Arcenal)