Advertisers
PAPALO sa halos 1,200 na mga Pilipino sa iba’t ibang bansa ang nahaharap sa mga kaso at nakabilanggo ngayon.
Sa pagdinig ng Senado ay tiniyak ni Migrant Workers Affairs Secretary Hans Leo Cacdac na nabibigyan ng gobyerno ng legal at welfare assistance ang ating mga kababayan.
Bukod dito ay binibisita rin sila ng mga konsulado sa iba’t ibang bansa.
Sinisikap din ng pamahalaan na hikayatin ang host countries na dito na lamang sa Pilipinas tapusin ang sentensya o ang pagkakabilanggo.
Gayunman, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na depende pa rin sa bansa kung papayag na ibalik ng Pilipinas at dito sa bansa tapusin ang sentensya tulad ng ginawa ng gobyerno ng Indonesia sa kababayan nating si Mary Jane Veloso na naharap sa kaso ng drug smuggling.