Advertisers

Advertisers

Sa Yorme’s Choice, Manilenyo ang panalo!

0 25

Advertisers

ITO ang napapansin ko: kapag ang isang tao ay maraming mabuting ginawa at patuloy na ginagawa sa kapwa, yung pagmamahal sa taong iyon ay hindi lamang sa kanya naiuukol.

Pati sa kanyang mga kaanak, nabibigyan ng nauukol na paggalang, pagmamahal.

Ganito ang nangyayari ngayon sa mga katiket ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang tropang Yorme’s Choice.



Umaapaw ang suporta kay Yorme Isko at ito ay dumadaloy sa mga kasama niya, tulad ni vice mayor candidate Chi Atienza, na of course, dala ang mahusay na pamamahala noon ng kanyang ama, former Manila Mayor-Congressman Lito Atienza, lalo pang panigurado ang panalo, gawa ng karisma ni Isko.

Siyempre, damay sa respeto at paghangang ito kay Yorme, e ang kandidatong konsehal na anak niya — ang pogi, makisig at makarismang si Joaquin Domagoso — na sunod sa pangalan ng kanyang iniidolong lolo Joaquin.

Maikakapit nga sa kanila ang madalas nating marinig na “Like father, Like Son!”

Isa itong “idiom” o kasabihan, kapit na kapit sa mag-amang Isko at Joaquin, kasi kita naman ang kanilang striking resemblance, makisig, makarisma at mapagkapwa-tao.

Yun ang mahalaga, may kapwa, ibig sabihin nito, may pakialam, may malasakit at may paggalang sa kapwa tao.



Galing sa Greek proverb itong “Like Father, Like Son” na ang kahulugan, “Each persons becomes that which they see and hear.”

Mula sa pagkabata niya, nakita ni Joaquin kung gaano ang pagsisikap ng tatay niya na mabago ang Maynila; personal na nasaksihan ni Joaquin ang mga sakripisyo ni Yorme noong pandemya, at nasaksihan niya kung gaano ibinabalik ng Manilenyo ang malasakit ng kanyang ama sa pamamagitan ng napakainit na suporta ngayong palapit na eleksiyon sa Mayo 12.

Kaya, natural lamang, matanim sa puso at isip ni Joaquin ang pagmamalaki at ang paghanga, pag-idolo sa tatay niya — hindi nga maitatanggi, si Yorme ang maituturing na pinakamagaling na mayor nagsilbi sa Maynila.

Nakita ni Joaquin ang disiplina sa trabaho ng ama noong katindihan ng pandemyang COVD-19.

Sa panahon ng krisis ng pandemya, nasaksihan ni Joaquin ang tatak bilis-kilos ng kanyang ama sa paglutas sa problema ng buhay at kabuhayan.

Kung iniidolo ng ibang kabataan si Yorme Isko, lalo na si Joaquin kaya siya ngayon ay kumakandidatong konsehal sa Manila First District.

Nais niyang tularan ang kanyang ama na ang malasakit sa Manilenyo ay maagang naipamulat sa kanya ang totoong serbisyo publiko.

Alam ni Joaquin, hindi biro ang maging politiko, puno ito ng sakripisyo — na nakita niya, naramdaman niya na ginawa at patuloy na ginagawa ng kanyang ama.

Nasaksihan ni Joaqin kung paano mahalin at pagsilbihan ni Yorme Isko ang mamamayan ng lungsod, kaya naeengganyo siya, naakit siya, nag-alab ang hangarin niya gayahin, maging tulad ng ama na maging mabuting lingkod-bayan bilang konsehal ng unang distrito ng Maynila.

Ngayong kainitan ng kampanya, nasaksihan ni Joaquin ang umaapaw na pagmamahal ng Manilenyo sa kanyang ama.

At siya man, tumatanggap ng gayong mainit na na pagtanggap at suporta ng mga mga tao, at iyon ang lalong nagpapatibay kay Joaquin na tularan, maging tulad ng ama, at kung maaari ay mapantayan kungdi man ay mahigitan si Yorme Isko.

Magiging Isko Moreno rin siya, nasa isip ni Joaquin, at sisimulan niya ito sa Manila Council na siya ring unang daan ng kanyang ama sa pagdating sa kalagayan nito ngayon.

Si Isko Moreno na mahal na mahal ng Batang Maynila; si Yorme Isko na sobrang mahal nina Lola at Lolo; si Kois na love na love ng mga PWDs, ng mga solo parents.

Nais ni Joaquin na matulad sa kanyang ama na hinahangaan ng maliliit na trabahador; gusto niyang makapaglingkod na tulad ni Yorme na mas inuuna ang Diyos, bago ang lahat.

Uunahin niya, pag konsehal na ay maisulong ang kapakanan ng kapwa niya Batang Tundo; gagawa siya ng mga panukalang magbibigay ng mas malaking oportunidad sa mga Batang Maynila, sa mga nanay, tatay, lola at lolo,

Kaya ang mantra niya sa Unang Distrito: “Tungo sa Progresibong Tondo, kay Joaquin Domagoso tayo!”

Sa Yorme’s Choice, Manilenyo ang panalo!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.