Advertisers

Advertisers

Rainier Castillo patok sa online selling

0 8

Advertisers

Ni Benny Andaya

NAKITA namin sa soft opening ng Bagong branch ni Dra Jhen Boles, owner ng Tres Chic Luxury Original ang actor na si Rainier Castillo. Maayos ang hitsura ng actor at tila masaya. Gusto sana namin siyang interbyuhin kaya lang busy siya that time. Ang maganda lang kay Rainier ngayon ay may regular siyang pinagkakakitaan sa tulong na rin ni Ms Jhen. Sabi nga ni Madam Jhen, handa naman niyang tulungan ang actor dahil naging malapit na ito sa kanya at parang kapatid na ang turing nito sa kanya.

Samantala, maraming celebrities ang present sa ginanap na opening ng Tres Chic at naroon ang actress na si Ms Keanna Reeves at ang boyfriend nito, nakita rin namin na dumating si Boobay at ang magaling na actress na si Dexter Doria at marami pang iba.



Puwede kayong bumili ng magagandang bag na original talaga at maari nyo kontakin si Ms Jhen sa kanyang FB account Jhen Boles.

***

Cebuana Twins pumirma ng kontrata sa Viva

BIRTHDAY ngayon ng Cebuana Twins na sina Sheila and Sheina, mga anak ng beauty queen at businesswoman na si Ms Aida Patana.

Ang Cebuana Twins ay matagal nang kumakanta sa mga gig. Nag perform na rin sila sa ibang bansa like Dubai at iba pa.



Dahil sa galing nilang kumanta at mag-perform kaya sila kinuha ng Viva Records. Ang Cebuana Twins ay mga alaga ng aming kaibigan na si Nanay Lito de Guzman.