Advertisers

Advertisers

PAGTUTULUNGAN NG IBA’T IBANG SEKTOR, NAKATULONG SA EMPLOYMENT SITUATION – NAPC

0 4

Advertisers

ANG pagbuti ng employment situation sa bansa ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ito ang iginiit ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) matapos maitala ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Pebrero, batay sa pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, tinukoy ni NAPC Sec. Lope Santos III na ang pagbaba ng unemployment rate ay resulta ng whole-of-nation, whole-of-government, at whole-of-society approach.



Patuloy aniya ang pamahalaan sa pagpapalakas ng public investment sa imprastruktura na lumilikha ng mas maraming trabaho sa iba’t ibang rehiyon.

Ayon kay Santos, malaki rin ang naging ambag ng pribadong sektor sa paglikha ng negosyo at industriya.

Paliwanag niya, kabilang din sa mga tinutukoy na mahalagang bahagi ng employment growth ay ang mga small and medium enterprises (SMEs) at mga kooperatiba na nagbibigay ng oportunidad sa lokal na pamumuhunan at hanapbuhay.

Ayon pa kay Santos, positibo ang pananaw ng mga mamamayan pagdating sa pagiging produktibo at pagtanggap ng trabaho, dahilan upang mas mapalawak pa ang oportunidad sa kabuhayan.

Naniniwala din ang kalihim na kung magpapatuloy ang ganitong direksyon, mas mapapalakas pa ang ekonomiya at mas maiaangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. (Gilbert Perdez)