Advertisers

Advertisers

Pacquiao, sinigurado ang boto ng Cebu, nangakong palalakasin ang serbisyong pangkalusugan sa mga probinsya

0 6

Advertisers

CEBU CITY – Lalong humataw ang kampanya ni dating world boxing champion at senatorial candidate Manny Pacquiao matapos siyang opisyal na iendorso ng One Cebu, ang pinakaimpluwensiyang partido pulitikal sa lalawigan.

Ang nasabing suporta ay itinuturing na malaking tulong sa kampanya ni Pacquiao sa Central Visayas, lalo na’t isinusulong niya ang platapormang nakatuon sa inklusibong pag-unlad—kabilang ang pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa mga liblib na lugar, libreng pabahay, at hanapbuhay para sa mga mahihirap.

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Pacquiao na isusulong niya ang pagpapalakas ng mga barangay health center at ang pagbabalik ng Botika ng Barangay, upang matiyak na may libreng gamot at serbisyong medikal ang mga komunidad na kadalasang hindi naaabot ng gobyerno.



“Walang maiiwan sa serbisyo. Ilalapit natin ang kalusugan sa mga tao, lalo na sa mga barangay na matagal nang napapabayaan,” ani Pacquiao.

Ang pag-endorso kay Pacquiao ng One Cebu, na pinamumunuan ng makapangyarihang pamilya Garcia, ay inaasahang magpapalawak pa sa impluwensiya ni Pacquiao sa buong Visayas na itinuturing na isang importanteng rehiyon sa darating na halalan.