Advertisers
PATAY ang apat na miyembro ng isang pamilya nang sumalpok ang sinasakyan Rusi motorcycle na walang plaka sa Brgy. Vigo, San Narciso, Quezon, nitong Miyerkules.
Kabilang sa mga nasawi ang 23-anyos ang padre de pamilya na siyang nagmamaneho ng motorsiklo, 19- anyos na asawa, 6 taon gulang na anak na babae, at 14-anyos na dalagitang kapatid ng asawa ng rider ng motorsiklo na pare-parehong residente sa Brgy. Busukbusukan ng kaparehong bayan.
Ayon sa report ng San Narciso PNP, sakay ng nasabing motorsiklo ang apat na biktima sa kahabaan ng San Andres-San Narciso Road ng mawalan ng kontrol sa manibela ang rider ng motorsiklo at bumangga ito sa puno.
Naisugod pa sa Quezon Provincial Hospital Network ang apat na biktima subali’t idineklarang dead on arrival ng mga rumespondeng doktor. (Koi Laura)