Advertisers
Ni Beth Gelena
PARARANGALAN ng Film Development Council (FDCP) Lifetime Achievement Award ang mga higanteng nasa showbiz noon na sina Joseph Estrada, Charo Santos-Concio, Laurice Guillen at Lav Diaz.
Ang nasabing award-giving body ay may theme na Ang Mga Higante ng Kasaysayan ng Ating Pelikula: Tradisyon at Ebolusyon.
Sey ng FDCP chairJose Javie Reyes, “it pays tribute to “the artists who helped shape—and continue to shape—the direction of Philippine cinema.”
“The theme asks: Who are the giants that helped shape where we are now? It’s about those who inspired the roads we’ve taken in our storytelling and our cinematic identity,” aniya pa.
Patuloy pa ng FDCP chair, “People always ask—what about the National Artists?” Reyes said. “Well, they’ve already received the highest honor the country can bestow. What we’re doing here is honoring others whose legacies are equally crucial in our cinematic evolution.”
Pinaliwanag din ni FDCP chair kung bakit ang apat na personalidad ang napili nilang bigyan ng parangal.
“Estrada will be honored not only for his long career as an actor and producer, but also for his work with the Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund). “His most nationalist film, ‘Sa Kuko ng Agila,’ is what we’re showing as part of the tribute.”
“Santos-Concio is being recognized for her influence across generations of Filipino viewers and filmmakers. “Not only is she an actress and producer, she also helped shape pop culture. She was part of the Experimental Cinema of the Philippines, helped form Star Cinema, and played a huge role in ABS-CBN’s film content.”
Pagbabahagi pa ni Reyes, “Charo was my classmate in La Salle. Who would’ve guessed that just years after graduating, she’d win Asia’s Best Actress for her first film, ‘Itim,’ written by our teacher Doy del Mundo and directed by Mike de Leon.”
“Guillen, meanwhile, is hailed for her excellence both in front of and behind the camera. “Laurice is one of our best actresses—onstage, on TV, on film. But what’s more important is that she is one of the cofounders of the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.”
“People remember her for ‘Tanging Yaman,’ her most successful film. We tried to find a copy of her most beautiful film, ‘Salome,’ but sadly, we believe it’s now a dead film.”
And finally, Lav Diaz. “Why Lav? No further explanation needed.”
“This is the man whose film made Meryl Streep say, ‘Your movie rearranged the molecules of my mind.’”
Nasa ikatlong taon na ang Parangal ng Sining na gaganapin April 11, 5 p.m., Seda Vertis North, Quezon City.
***
KATHRYN DOKTOR NA ANG CRUSH NIYA NUNG GRADE 2
SA PInoy Got Talent kung saan isa sa hurado si Kathryn Bernardo, binulgar niya na may crush siya noong Grade 2 siya sa kanilang hometown.
Ibinahagi ng aktres ang kanyang fun memory sa talent show at saka sinabing, “Yung first ever crush ko, Grade 2 ako noon sa probinsya. Mestizo. Kapag crush ko, mas lalo kong hindi kinakausap. Name niya, Kenneth.”
Agad na kumalat ang reactions ng netizens sa online community.
Biniro ng kapwa hurado niya sa PGT ang aktres.
Napaka-lucky raw ng Kenneth dahil nakuha niya ang atensyon noon ng kanyang kaklase na ngayon ay isa nang sikat na artista.
Isa namang netizen, named Jane Bob-Yao mula rin sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang naka-recognize sa pangalan na binanggit ni Kath.
Aniya, ang binanggit umanong guy ng aktres ay si Kenneth Hizon na isa nang doctor.
Agad na hinanap ng fans ni Kath sa Facebook ang larawan ni Kenneth.
It turns out that Kenneth is not only good-looking but also has become quite successful in his career.
Nagdasal ang fans na sana raw ay mag-meet ang dalawa.
“Sana single pa siya (Kenneth) kasi sinabi ni Kath na single pa rin siya.”
“Ang saya kung magtatagpo ang landas nilang dalawa.”
***
KUYA WIL VIRAL ANG HEP HEP HOORAY NA DADALHIN SA SENADO
VIRAL ang video ni Willie Revillame nang sabihin niyang mag-Hep Hep Hooray siya sa Senado kapag may argumentong mangyayari.
Si Kuya Wil ay tumatakbong independent bilang Senador ngayong 2025 eleksyon.
Last 2022 ay kinumbinsi na siya ni dating Presidente Rodrigo Duterte na pasukin ang pulitika, but he begged off dahil hindi raw niya linya ang maging isang pulitiko.
Pero, nagbago ang perspective niya regarding the political arena.
Last minute ay nag-decide siyang mag-file ng certificate of candidacy for senator as an independent candidate.
Ang daming nagreak sa pagpasok niya sa pulitika.
Marami rin namang sumusuporta kay Kuya Wil dahil magmula noon ay marami na siyang natutulungan sa kanyang programa kahit saang istasyon siya mapunta.
Hindi rin naman maiiwasan ang kritisismo na pinupukol sa kanya.
Tinatanong ang kanyang abilidad sa pagiging isang lawmaker at kung papano pagsisilbihan ang taumbayan.
Kamakailan, trending topic sa Twitter ang TV host because of his video in which he mentioned one of the famous games in his show, the Hep Hep Hooray.
“Ang tanong ko lang, hep hep,” and the crowd answered back with “hooray.”
“Pag nag-away away kami sa senado, tama na, hep hep,” na sinisigaw naman ng kanyang crowd “hooray.”
Dahil dito ay lalo nilang dina-down ang TV host at binabato ng mga negatibong komento.
Ani ng isang commenter,
“Kasalanan ‘to ng mga mahilig maglabas ng mga quiz kung sino pinakabobo na senador. Imbes na mahiya ang mga tukmol tulad ni Willie Revillame, nacha-challenge eh.”
Ang video clip was originally posted by @kblstgn.
Hindi ba naisip ng mga nambabash kay Kuya Wil na isang comedian-actor ang TV host.
Pinapasaya lang niya ang crowd dahil nakikita niyang nakikinig ito sa kanya kahit na nasa kainitan ng araw ang mga tao.
Hindi naman lahat ng matatalinong mambatas ay tuwid sa kanilang pagsisilbi sa bayan.
Matatalino nga sila, pero ginagamit ang katalinuhan kung papano mailalagak ang kaban ng bayan sa kanilang bulsa.
Sa totoo lang walang b*bo na tao.
Lahat tayo ay may sariling pag-iisip kung papano gagamitin ang sariling utak.
Huwag naman kasi agad manghusga kung hindi pa nakakaupo ang taong hinuhusgahan.
Para sa kaalaman ng lahat, ang TV host ay pasok sa survey ng Top 12 for senator.