Advertisers

Advertisers

Ilocos Region humakot ng 3 golds sa PRISAA National Games

0 15

Advertisers

Kent Brian Celeste ng Ilocos Region ang naging unang triple-gold medalist sa Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games matapos depensahan ang men’s triple jump title Miyerkules sa Cagayan Sports Complex track and field stadium.

Ang 23-year-old mula sa Anda, Pangasinan na ang personal best ay 14.75 meters, nagrehistro ng 14.70m para talunin si Rick Angelo Sotto ng Central Visayas (14.00) at Cjay Eulin ng Western Visayas (13.67).

Nagwagi rin siya sa long jump at high jump.



“I’m very happy that I was able to defend the three titles I won in Legazpi City,” Wika ni Celeste, third-year physical education student sa Virgen Milagrosa University Foundation.

Nakaraang taon, nakamit niya ang Most Valuable Player award sa pagkapanalo ng three gold medals sa Legazpi City, Albay.

Samantala, Mark Mahinay at Michelle Zamora dinomina ang 1,500m event na ang Central Visayas ay nanateli sa tuktok ng senior medal tally board na may 30 golds,10 silver at 13 bronzes.

Mahinay, na third-year information technology student sa University of Cebu main campus, may oras na 3:59.5 para depensahan ang titulo laban sa teammate Oswaldo Arcelo Jr. (4:06.3) at Mark Rennel Hubag ng Soccssargen (4:10.1).

Ngayon si Mahinay ay meron ng 2 gold medals matapos magtagumpay sa 5,000m nakaraang Lunes. Susubukanniya masungkit ang pangatlong gold sa 10,000m sa Biyernes.