Advertisers

Advertisers

Drug den operator, 3 pa huli sa buy bust ops sa Zambales

0 16

Advertisers

Arestado ang drug den operator at 3 kasamahan nito sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng PNP at PDEA, sa Brgy, Calapacuan sa bayan ng Subic,Zambales.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Director BGen.Jean S. Fajardo kinilala ang suspek na si alyas Ham, 53 drug den Operator, alyas Kome, 27, alyas Jub, 22 at alyas Denz 39 anyos kapwa residente sa nabangit na Barangay.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis ganap na alas-9:00 ng gabi nito lamang abril 8 2025.



Nakumpiska mula sa mga suspek ang 4 plastic sachets na hinihinalang shabu na may 8 gramo, na nagkakahalaga ng P54,400.00, assorted sniffing paraphernalia, at buy bust money.

Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)