Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
POSIBLE raw na nagkabati na sina Darren Espanto at JK Labajo sa nakaraang ABS CBN Ball. Sa isang group photo kasi na pinost ni Karen Davila kasama sina Small Laude, Sofia Andres at ilang kaibigan, nahagip ng kamera sa likod nila na nag-uusap sina Darren at JK. May kasama pang isang lalaking nakatalikod.
Kaya naman ang netizens ay naniniwalang nagkabati na ang dalawang Kapamilya stars.
Magka-batch sa The Voice Kids ang dalawa noong 2014. 2018 ay nagkaroon sila ng matinding awayan.
May kumalat kasing post sa Twitter (X na ngayon) noon na umano’y galing kay JK na nagsasabing, “@Espanto2001 gayness at its finest.” Nag-viral agad ito at na-bash nang husto si JK.
Pero mariin itong pinabulaanan ni JK.
Sa aming interview sa kaniya noon ay sinabi niyang na-hack ang kaniyang account. Nang i-message niya raw si Darren noon ay hindi ito naniwala.
Kasunod nito, nagsampa ng cyberlibel case laban kay JK ang nanay ni Darren na si Marinel Gonzales-Espanto noong 2019 pero ang balita namin ay na-dismiss na raw ito.
Matagal na panahon din ang naging alitan nila pero last year sa first major concert ni JK nang tanungin kung willing siya na makipag collab kay Darren, say niya ay bakit naman hindi.
Sana nga ay nagka-ayos na sina Darren at JK.
***
SA isang panayam kay Martin Escudero, inamin niyang halos isang taon din siyang nagdusa dahil sa gout.
At para gumaling, talagang nag-research siya kung ano ang mga pwede niyang gawin para mawala ang kanyang gout na nagpahirap sa kanya nang bonggang-bongga.
Sabi ni Martin,”“Fruits and vegetables lang ang kinakain ko. Ang pinaka-meat ko na, yung mushroom.
“So, malalim na pag-aaral po yun, e. Mahirap i-explain, hindi siya basta basta naiintindihan.
“Nag-aral po ako, nagsaliksik ako kung paano pahabain ang buhay. Yun na lang ang labanan ngayon e. Pahabaan ng buhay.
“Mahirap lang kasi hindi sanay yung mga tao sa ganitong sukat, na low body fat. Naging lifestyle na po siya e,” aniya pa.
Samantala, kasama si Martin sa pelikulang My Love Will Make You Disappear na pinagbibidahan ng loveteam nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na gumaganap siya bilang isang gay.
“Alam ninyo, na-miss ko uli ang gumawa ng character katulad ng ginawa ko sa My Love Will Make You Disappear. Nagpahinga ako sa gay role ng ilang panahon, pero nabigyan ako ng pagkakataon na gumawa uli at na-miss ko siya.
“Parang next time naman, gusto ko siyang mas mapalaki naman, outside the box naman tayo.”