Advertisers

Advertisers

Cong. Erwin Tulfo No 1 pa rin sa bagong senate survey para sa 2025 Election!

0 15

Advertisers

Isang buwan bago ang Halalan 2025, patuloy na namamayagpag ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas candidate Erwin Tulfo sa survey ng mga kandidato sa pagka-Senador.

Sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Marso 18 hanggang 24, napanatili ni Tulfo ang pangunguna na may 100% awareness at 61% voting preference na nagtalaga sa kanya sa rank 1-2.

Nagkamit din si Tulfo ng double-digit lead na 13% mula sa sumunod na kandidato sa kanya.



Kung ngayon gaganapin ang halalan, nasa tuktok ng listahan ang ACT-CIS Partylist
Representative at dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development ng mga panalong Senador.

Nang magsimula ang mga senatorial surveys ng mga kilalang survey firms tulad ng OCTA, Social Weather Stations (SWS), Pulse Asia, at WR Numero, noong 2024, hindi nawala si Tulfo sa mataas na ranggo.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kababayan na walang-sawang sumusuporta sa atin.

Maliban sa nakikita natin sa mga resulta ng surveys, damang-dama ko rin po ang init ng pagtanggap nila sa atin sa ngayong kampanya,” saad ni Tulfo.

“Pinagsisikapan po nating mas maabot pa ang iba’t-ibang lugar sa bansa para maipaabot ang ating mga ipinaglalaban, plataporma, at programa para sa mga kababayan nating mahihirap, inaapi, at walang boses,” dagdag ng mambabatas.



Ang nasabing OCTA survey ay nilahukan ng 1,200 na Pilipino mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. (Cesar Barquilla)