Advertisers

Advertisers

BANGKAROTE O MAY EXCESS FUND PA ANG PHILHEALTH?

0 1,651

Advertisers

BANGKAROTE ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ayon kay Supreme Court (SC) Associate Justice Amy Lazaro- Javier.

“COA said that for many years, at least three years (2021, 2022, 2023) the reserve fund of PhilHealth is much, much less than its actuarial estimate,” ito ang walang pangingiming pahayag ni Associate Justice Lazaro-Javier na siya ring Chairperson sa nakatakdang September 2025 Philippine Bar Examination.

Ngunit sa kabila ng kumpirmasyong ito mismo ni Assoc Justice Lazaro-Javier na bankrupt ang PhilHealth ay iginigiit naman ni Department of Finance Secretary Ralph Recto na may P89.9 billion na “excess fund” o labis-labis na pondo ang naturang institusyon.



Bankrupt na nga, ngunit may labis-labis pang pondo o excess funds na umabot sa nakakalululang P89.9B? E di Wow?

Sino kaya sa dalawa ang higit na may kredibilidad at nagsasabi ng tumpak at totoo, si Justice Lazaro-Javier ng Korte Suprema o si Sec. Recto?

Natuklasan ng SC na nailipat ang bilyones na pondo ng PhilHealth sa national treasury matapos ibigay ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang “marching order” noong April 24, 2024 ang paglilipat sa national treasury ng tinatawag nitong “excess fund.”

Ngunit umalma naman ang grupo ng 1SAMBAYAN na pinangungunahan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at BAYAN MUNA Chairman Neri Colmenares kasabay ng kahilingan ng mga ito sa SC na pigilan at ideklarang ilegal ang paglilipat ng naturang pondo.

Tinatayang aabot sa P60B na mula sa kabuuang P89.9B ang halaga ng PhilHealth “excess fund” ang nailipat na sa “kaban ng bayan” at ayon pa sa mga nagpetisyon ay labag sa Saligang Batas. Si Sec. Recto ay hindi kabilang sa mga awtorisadong indibidwal upang makapaglipat ng naturang pondo, ayon din sa kanila.



Iginiit naman ni Sec. Recto, na legal ang kanilang ginawang paglilipat ng pondo ng PhilHealth at wala itong nilabag na batas.

Nag-isyu naman ng Temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court sa paglilipat ng mga nalalabing excess fund ng PhilHealth sa national treasury.

“Our leaders are responsible for the destruction of our economy and our country. Recto has the Filipino blood on his hand. And Sec. Recto will forever be hated in our history together with our health agency leaders?”, ang pananaw naman ng health reform advocate at dating special adviser for non-communicable disease ng Department of Health (DOH), Dr. Anthony Leachon na naipost nito sa social media.

Saan na nga bang bulsa este kaban napunta ang mga bilyones na “excess fund” kuno ng PhilHealth- sa AKAP, TUPAD at iba pang ayuda na ipinamumudmod ng karamihan sa ating mga re-electionist honorables, kasama na ang tanggapan ni Sec. Recto?

Napakaraming mga tanong ang dapat sagutin si Sec. Recto. Sakaling hindi nito masagot ng angkop at ayon sa panlasa ng milyon-milyong mamamayan, kasama na ng mga kababayan nitong Batangueno, ay tiyak na ang tatamaan ay ang kandidatura ng tinatawag na Recto Political Clan o Dynasty?

Sa kangkungan posibleng pulutin ang gubernatorial bids ng maybahay ni Sec. Recto na si Vilma Santos-Recto o Ate Vi, ni Luis “Lucky” Manzano, anak ni Ate Vi sa ex-husband nito na Movie Actor Edu Manzano na tumatakbong bilang Bise Gobernador ng kanyang Mommy o Mama, habang si Ryan Christian Recto (anak ni Ate Vi kay Sec. Recto) ay kandidato namang kinatawan ng 6th and Lone Congressional District ng Lipa City. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144